Emerson’s POV KINAUMAGAHAN, eksaktong alas-sais ng umaga, naroon na ako sa project site sa BGC. Malamig ang simoy ng hangin at may manipis pa na hamog. Ngunit ang paligid ng gusali ay punong-puno na ng tensiyon dahil sa pagdating ng mga tauhan mula sa Office of the City Building Official o OBO ng Taguig. Kasama ko ang aking Lead Structural Engineer na si Engr. Ramirez at si Alex. Naka-hard hat ako at simpleng gray long-sleeved shirt habang nakatitig sa nangingitim at may lamat na semento sa pundasyon ng ikalawang tore. “Sir, ang naging ugat ng problema ay ang mali at minamadaling curing mixture ratio na ginamit ng sub-contractor sa bahaging ito,” mahinang ulat ni Engr. Ramirez habang hawak ang blueprint. “Hindi ito agad namataan noong nakaraang linggo kaya nang magbuhos ng mabibigat na

