Carys’ POV PAGBALIK namin sa mansyon mula sa kubo sa tabi ng ilog, naging mas matindi ang pagbabago kay Emerson. Pagkatapos naming aminin na mahal na namin ang isa’t isa at official na ang relasyon namin ay mas naging possessive at seloso na siya. Lalong hindi na nagpapakita kahit ang anino man ni Tristan sa mansiyon. Pero hindi iyon tipo ng pagiging seloso at possessive na nakakasakal kundi nakakakilig at nakakalaki ng ulo. Ngayon ko lang naranasan ang maprotektahan uli nang ganito simula nang mamatay ang parents ko. Ngunit sa kabila nito, nanatiling lihim ang lahat. Lalo na sa harap ni Lola Molly. Ilang beses nang hiniling ni Emerson na sabihin na namin ang totoo. Handa raw siyang harapin ang galit ni Lola at panindigan ang pagmamahalan namin. Ako lang ang hindi pa ready. I don’t

