CARYS’ POV “THEN what are you waiting for?” hamon ko sa kaniya. Inangat ko ang aking mukha para salubungin ang nagbabaga niyang mga mata. Hindi ko na itinago ang hamon sa boses ko. “Ang dami mong sinabi kanina sa banyo, Emerson. Huwag mong sabihing hanggang pananakot ka lang?” Naramdaman ko ang biglaang paggaspang ng paghinga niya. Tumigas ang panga niya. Ramdam ko ang panggigigil niya habang nakahawak siya sa beywang ko. Lalo pa niya akong idiniin sa likod ng pinto. “You really love playing with fire, don't you, Carys?” bulong niya. Mas lalong naging paos ang boses niya, bawat salita ay may kasamang banta na nagpapabilis ng t***k ng puso ko. “Sinabi ko naman sa’yo, matagal ko nang gustong gawin ‘to. I just chose to be the bigger person before. Pero ikaw? You kept pushing my buttons.”

