KINABUKASAN. Hindi ako mapakali ng maglakad ako sa campus. Hindi na ako nag-disguise wala rin naman kasing saysay na. Bumaba ako sa kotse at nauna na akong naglakad sa mga pinsan ko. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko i-relax ang isipan ko bago ko harapin ang mga Hanlon mamaya. Hindi ko alam pero hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Tyron sa akin. Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi niya sa akin kahapon kaya hanggang pagtulog dala ko ito. Diretso lamang ang aking tingin kahit naririnig ko pa rin ang bulungan sa paligid. Wala na akong pake sa tsismis na iyan, lamunin niyo kung gusto. Naka-akyat ako sa room namin at umubob sa aking silya. Mahaba pa naman ang oras para sa unang bell. Ang iniisip ko kung paano ko idi-delivery ang aking sasabihin sa limang Hanlon mamaya. Paniguradong magag

