LUTANG NA LUTANG ako nang makabalik sa mansion after ng pag-uusap naming anim. Pagkasabi ko sa kanila ng aking nararamdaman ay agad din akong umalis at nag-commute na lang pauwi, hindi na ako naghintay na sunduin ulit ni kuya Harry. Pagkarating sa mansion ay agad din akong umakyat sa k'warto ko at nagchat na lamang ako kay kuya Harry na naka-uwi na ako baka kasi bumalik agad siya roon sa restaurant, e. Nagpalit ako ng aking damit at tinodo ang aircon ko sa aking k'warto. Gusto ko ikalma ang aking sarili dahil sa nangyari kanina. Kaya ang ginawa ko ay inoff ko ang aking phone right after kong magchat kay kuya Harry. Pagsapit ng aming dinner ay nagpaakyat na lang ako ng pagkain ko sa aking k'warto. Ayokong makisabay sa mga pinsan ko ngayon dahil paniguradong magtatanong sila sa akin ha

