"Dumating ka na rin sa wakas," seryosong wika ni Sir Alexo nang makitang pabungad sa sala ang asawang si Olivia. Kampanteng-kampante ito sa pagkakaupo sa mahabang sofa habang nagbabasa ng isang libro. Bahagya nagulat naman ang ginang na napatingin sa asawa. Pero saglit lang iyon dahil ngumiti rin ito agad at pakendeng-kendeng na lumapit sa kinaroroonan ni Sir Alexo. "Sorry, Hon, may dinaanan kasi akong amiga ko. Kumain ka na ba?" aniya sabay halik sa pisngi ng asawa. "Amiga? O baka may ginawa kang katarantaduhan?" seryosong saad ni Sir Alexo na hindi tumitingin kay Ate Olivia. Nakatuon pa rin sa libro ang mga mata nito. Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Ate Olivia. "Ano’ng ibig mong sabihin naman diyan?" "Wala naman. Bakit? May dapat ba akong ibig sabihin?" Nasa libro pa rin ni Sir Al