Napaatras at napanganga sina Maiza at Yumi sa ginawang iyon ni Sir Alexo. Takang-taka sila na palipat-lipat ang tingin nila sa mag-asawa. "Alexo, bakit mo ako sinampal?! Ako ang asawa mo! Dapat ako ang ipinagtatanggol mo dahil pinagtutulungan ako ng dalawang babaeng 'yan!" mabagsik na bulyaw ni Ate Olivia nang maka-recover sa pagkagulat. Namumula ang magkabilang pisngi nito, hindi lang dahil sa sampal na natamo nito mula kay Sir Alexo kundi dahil sa matinding galit. "Dapat lang 'yan sa 'yo! Baboy kang matanda ka! Mal*bog! M*landi!" sabi ni Yumi na labis naman ang katuwaan. "Ma'am, tama na po," sinaway ito ni Maiza dahil away mag-asawa na ang nangyayari. “Kulang pa nga iyon! Teka, at ako ang gagawa nang makaganti naman ako sa babaeng iyon!” Susugurin pa rin sana ni Yumi si Ate Olivia