Part 45

1478 Words

"Pare!? Pre?!" silakbot si Rigo nang makita niyang nagpikit si Olmer ng mga mata. "Pare, huwag kang pipikit!" yugyog niya rin sa balikat nito. "I-ikaw n-na ang.... a-ang ba-bahala... s-sa mag-ina k-ko, pare," huling bilin ni Olmer bago ngumuyngoy ang ulo nito. Napa-"Sh*t!" si Rigo. Naalarma siya. Hindi maaaring mamatay na lang ng gano'n-gano'n na lang si Olmer. Kahit namimilipit siya sa sakit ay gusto niyang subukang isalba ang buhay ng kaniyang kabaro. Pumihit siya. Inilapit niya ang tainga niya sa dibdib ni Olmer, at nakahinga siya nang maluwag dahil humihinga pa naman ito. Siguro'y nawalan lang ito ng malay dahil sa dami ng dugong nawala dito. Anong kaba pa ni Rigo nang makita niyang pumasok na ang dalawang lalaki sa loob ng bahay. Tinadyakan nila ang pinto. Maingat siyang kumilos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD