"Maiza, can we talk?" mababang boses ni Yumi na narinig niya mula sa likuran niya.
Nagbingi-bingihan si Maiza. Itinuloy pa rin niya ang paggawa ng bouquet na order ng isang customer na manager ng isang restaurant malapit sa shop. Pinakiusapan din siyang i-deliver na lang niya tutal ay malapit naman, at dahil suki ay pumayag siya.
Alam naman niyang walang kasalanan si Yumi sa ginagawang panloloko ni Olmer sa kaniya. Kung tutuusin ay biktima rin ito dahil wala rin itong kaalam-alam sa ginagawa ni Olmer. Gayunman ay masakit pa rin kasi talaga sa damdamin niya, lalo na't araw-araw niya itong nakikita, lalo na ngayon na hayagang nasabi na ni Olmer sa kaniya na magkanya-kanya na sila ng lilipatan oras na palayasin talaga sila ni Sir Alexo sa malaking bahay.
Pakiramdam niya ay paulit-ulit na sinasaksak ang kaniyang puso dahil nasa paligid lang niya ang babaeng mas mahal ni Olmer. Kung hindi lang talaga sa kaniyang tatay ay umalis na siya sa trabahong iyon. Napakahirap na walang pagpipilian.
"May kasalanan ba ako sa 'yo, Maiza? Bakit parang iniiwasan mo ako?" mga tanong pa rin ni Yumi kahit na wala siyang imik.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at napapikit. “Pasalamat ka na lang, Ma’am, at wala kang alam. Hindi ka nasasaktan na tulad ko,” ang gusto niyang isatinig pero pinili niyang lunukin na lang iyon. "Ma'am, ide-deliver ko lang po ito," sa halip ay pag-iwas niya ulit. Walang anumang umalis na siya.
Mabigat ang loob niyang iwasan na parang hangin ang kaniyang boss. Aminado rin siyang nagiging bastos na rin siya minsan dahil napakabait nitong tao. Pero bulag at pipi na nga siya sa mga nangyayari, ano pa’ng gusto pa nila? Ang maging plastik rin siya sa sarili niya? Sobra naman na yata kapag ganoon.
Pinalis ni Maiza ang luhang nag-uunahan na namang pumatak mula sa mga mata niya nang narating niya ang restaurant na pagde-deliver-an niya ng bulalak. Pasalamat niya at hindi naman siya inusisa ng manager na may order niyon kahit na nahalata nito ang pamumula ng kaniyang mga mata.
"Sa uulitin, Ma'am. Thank you po," pasasalamat niya sa manager nang nagbayad na ito at binigyan pa siya ng tip dahil ang ganda raw ng gawa niya. Siguradong magugustuhan daw ng nanay nito ang mga bulaklak na may kaarawan ngayon.
Tuwang-tuwa siya dahil madami nang nagsasabi na maganda ang mga ginagawa niyang bouquet kahit na nangangapa pa siya sa trabaho. Nga lang ay bumalik ang lungkot niya nang malapit na siya sa flower shop. Ang tanong ay kung magtatagal pa kaya siya sa paggawa ng bulaklak. Mukhang hindi na.
****
"Oy!" Nabigla si Olmer nang biglang magbukas ang banyong kinaroroonan niyang naliligo. Awtomatiko niyang naitakip ang kaniyang dalawang palad sa masil*ng bahagi ng kaniyang katawan kahit pa naka-brief naman siya.
Ngumisi ang babaeng pumasok doon at pinasadahan agad ng malisyosong tingin ang buong k*hubdan niya. Pilyang iniikot-ikot nito sa daliri ang susing ginamit nitong pinambukas sa banyo.
"Ano’ng ginagawa mo rito?" Mulagat ni Olmer kay Ate Olivia. Kumabog ang dibdib niya dahil naisip niya agad ang nakakatakot na mukha ng asawa ng ginang. Na-imagine niya agad na nakatutok sa kaniyang ulo ang baril ng sundalong si Sir Alexo.
"Sssh!" Tinakpan ni Ate Olivia ang bibig niya saka ngumiti ito ng nakakaloko. Pagkuwan ay naglakbay na ang isang kamay nito sa m*tiponong d*bdib niya.
Hinuli niya ang kamay ng ginang upang pigilan ito sa nais gawin. "Baka makita tayo! Patay ako sa asawa mo!" aniya.
"Wala siya," malakas ang loob na wika ni Ate Olivia.
"Kahit na!" Marahas na tinabig niya ang kamay ng ginang. Hindi mapakaling nasuklay ng palad niya ang basa niyang buhok. Ngayon pa nga lang ay parang maiihi na siya sa takot, paano pa kaya kung mahuli na sila ni Sir Alexo.
"Relax lang ano ka ba. Ako’ng bahala sa 'yo," parang walang kinakatakutang sabi pa rin ni Ate Olivia. Ibinalik nito ang kamay sa dibdib ni Olmer, ninamnam ang sarap niyon, at nang nagsawa ay dahan-dahan mas ibinaba pa iyon hanggang gitnang singit. Nang may makapa roon ay napaungol na ang ginang.
"Tumigil ka nga!" marahas na tinabig ulit ni Olmer ang kamay ni Ate Olivia. Ayaw pa niyang mamatay. Sa hitsura ni Sir Alexo ay sanay na sanay na iyong pumigtas ng ulo o kung hindi naman ay magpasabog ng utak dahil sa mga gyera.
"Wala nga siya. May pinuntahan at mamayang gabi pa siya uuwi kaya sige na angkinin mo ako, Olmer. Miss na miss na kita, mahal ko." Pinupog siya ng mga halik ni Ate Olivia. Sa labi, sa leeg, sa panga, pababa sa dibdib.
Aangal pa rin sana ni Olmer.
"Nabayaran ko na ang puwestong nakita natin noong isang araw. Any time ay puwede mo nang umpisahan ang negosyong buy and sell ng mga sasakyan oras na maipalakad ko naman ang mga business permit mo at iba pang dokumento na kailangan mo," pero dahil sabi ni Ate Olivia sa gitna nang pagr*r*mansa nito sa kaniya ay natuwa na siya. Nabuhay ang pagk*lalaki niya sa good news na iyon. Iyon lang naman ang hinihintay niya sa ginang kaya kahit sukang-suka siya sa tuwing may nangyayari sa kanila ay tinitiis niya.
Ang negosyong pinapangarap niyang iyon lang talaga ang rason kaya sinisikmura niya ang lahat. Iyon lang kasi ang paraan na naisip niya; ang magpakababoy upang maibalik niya ang buhay niya noon na nawala dahil sa mga traydor niyang mga kaibigan. Babangon siya ulit at pagbabayarin niya ang mga g*gong iyon, tapos ay aayusin na niya ang relasyon nila ni Yumi. Magbabagong buhay siya kasama ang babaeng totoong minamahal.
“Ah, bahala na nga,” sa isip-isip ni Olmer bago niya siniil ng nagbabagang halik ang ginang. Nirom*nsa na rin. Nil*mas at nil*wayan ang lahat ng parte ng katawan nito. Mas ginalingan pa niya na kulang na lang ay mapasigaw ng ilang beses si Ate Olivia sa sarap.
Wala silang kaalam-alam na sa sandaling iyon nakauwi na si Maiza.
"Bakit naka-lock ang pinto?" tanong ni Maiza sa sarili dahil hindi niya mapinid ang seradura ng pinto. Buti na lang pala at dala niya ang extrang susi ng bahay.
"Bakit kaya walang tao? Nasa'n na naman sila?" tanong ulit niya sa sarili pagkabukas niya sa pinto. Inakala niya kasi na ngayong kasama na nila si Sir Alexo sa bahay ay hindi na mag-aalis-alis pa si Ate Olivia. Syempre susulitin ng mag-asawa ang muling pagsasama. Ang alam niya kasi ay halos isang taon na hindi nakauwi si Sir Alexo. Normal lang na miss na miss ng mag-asawa ang isa't isa.
"Ah, baka nag-date," kinilig na aniya nang naisip na puwede nga pa lang lumabas ang mag-asawa kaya wala sila. Si Olmer na lang ang pinag-iisipan niya kung nasaan na naman ang lalaking iyon.
Pinilig niya ang ulo nang naisip din niya na baka naroon kay Yumi si Olmer. Ayaw niyang masaktan na naman.
Diretso si Maiza sa kusina. Naiinom siya. Binuksan niya ang refrigerator. Iihi rin sana siya pagkatapos niyang uminom pero nang buksan niya ang pinto ng banyo ay anong bilog ng mga mata niya nang dalawang bulto ng katawan na parehas hubad ang nabungaran niya sa loob. Napanganga siya sa matinding gulat, pati na rin ang dalawang taong iyon.
"O-Olmer?! A-ate Olivia?!" sindak na mahinang sambit niya sa pangalan ng dalawang taong ni sa hinagap ay hindi niya naisip na madadatnan niya sa ganoong hitsura. At kasunod niyon ay ang pagbagsak ng katawan na niya. Hindi niya nakayanan ang nakita.
"Maiza!" Naalarma si Olmer. Buti na lang at mabilis ang naging kilos nito at nasalo ang nawalang malay na katawan ni Maiza bago mabagok sa sahig ang ulo nito.