Part 21

1127 Words
Marahang nagmulat ng kaniyang mga mata si Maiza. Kumurap-kurap dahil nasisilaw siya sa liwanag ng paligid. "Huh? Nasaan ako?" Pero hindi nagtagal ay napabalikwas na siya ng bangon nang makuha niya ang sarili. Iginala niya ang tingin. Pinakiramdaman niya ang paligid, sobrang tahimik at napakaputi. May TV na nakasabit sa dingding. May airconditioned. May sofa. At sa bedside table ay may naka-vase na bulaklak, katabi niyon ang nakabasket na mga prutas. Nang suriin naman niya ang sarili ay naroon siya sa isang pang-isahang kama na nababalutan din ng puting bed sheet, ang unan ay puti rin ang punda. At nasagot ang tanong niya kung nasaan siyang saktong lugar nang makita niya ang dextrose na nakakabit sa kaniyang kanang kamay. "Ano’ng nangyari?" Litong napasapo siya sa noo at mariing ipinikit ang mga mata upang alalahanin ang mga naganap. At naalala na niya! Maaga nga pala siyang pinauwi sa trabaho dahil napansin ni Therese na nanlalata siya. Umuwi nga siya at nahuli niya sina Olmer at Ate Olivia na hubo't hubad sa loob ng banyo ng bahay at may ginagawang kamilagruan. Isang nakakasuka na gawain. Tumahip ang kaniyang paghinga at mabangis ang mga mata niyang muling nagmulat. "Mga baboy!" pagkuwa’y sigaw niya. Nagwala na siya. "Mga baboy kayo!" Pinagtatapon niya ang unan. Sa galit niya ay parang gusto niyang pumatay. Sa patuloy niyang pagwawala ay nagsipasukan na ang mga nurse pati ang isang doktor. Hinawakan siya sa magkabilang kamay. "Bitawan niyo ako! Mga baboy sila! Mga hayup sila! Nakakadiri sila!" gigil na gigil na sigaw niya pa rin kasabay nang pagpupumiglas. Ang lakas niya. Siguro ay dahil sa matinding galit niya kaya nakakawala siya sa pagkakahawak sa kaniya ng mga lalaking nurse, pero muli siyang hinahawakan ng iba pa kaya wala pa rin siyang magawa. "Misis, kumalma ka sana at baka kung mapaano ang baby mo," awat sa kaniya ng doktor. Doon natigilan sa pagwawala si Maiza. Tama ba ang narinig niya? BABY RAW NIYA? Anong baby niya? Tigmak ng luha ang mga mata niyang itiningin sa doktor. "A-ano;ng sabi mo po?" tapos ay garalgal ang boses ng tanong niya. "You're having a baby, Maiza. Four weeks na ang baby sa iyong sinapupunan," boses na ni Ate Olivia. Nakapasok ito sa silid na hindi niya namamalayan. Nagliliyab ang mga mata ni Maiza na napatingin sa ginang. Sa napakababoy na matanda. Hindi na nahiya sa sarili. "Kaya kumalma ka lang sana para sa anak mo," dagdag pa ni Ate Olivia na animo'y walang nangyari at hindi nito kasalanan kung bakit naririto siya ngayon sa ospital. Gusto niyang matuwa sa balitang narinig na iyon. Kung hindi siguro nangyari ang pagkatuklas niya sa lihim na namamagitan kina Olmer at Ate Olivia ay malamang abot hanggang langit na ang kaniyang katuwaan ngayon. "Hayup ka! Baboy ka! Malandi! Matandang malandi ka! Hindi ka na nahiya sa mga kulubot na balat mo! Ang landi mo! Ang landi-landi mo!" subalit ay nanggigil na sigaw niya ulit. Natalo ang kasiyahan niya para sa anak niya ang galit niya sa taong kaniyang pinagkatiwalaan. "Sige na, Doc, ako na ang bahala sa kaniya," sa kabila ng lahat ay kalmadong baling ni Ate Olivia sa mga kasama nila sa kuwarto. "Sigurado po kayo?" "Yes, Doc. May pag uusapan lang kami." "Sige po, Misis Hortizuelo," paalam na nga ng doktor. Sinenyasan nito ang mga nurse. Bagaman may pag-aalangan ay nagsunuran na ang mga ito na lumabas sa silid. Pagkapinid ni Ate Olivia sa pinto ay ito naman ang parang demonyo na tiningnan si Maiza. Nagsalubong ang nagbabaga nilang mga tingin sa isa't isa. "Bakit mo nagawa sa 'kin to?! Akala ko pa naman ay mabait ka! Akala ko pa naman kagalang-galang ka! Iyon pala isa ka ring makating babae! Makating matandang babae!" singhal ni Maiza kay Ate Olivia. Nakakuyom ang mga kamay niya sa bed sheet ng kama. "Sige magalit ka! Sa tingin mo maapektuhan ako! Wala akong pakialam sa lahat ng sasabihin mo!" bulyaw naman ni Ate Olivia. Mabilis itong nakalapit sa kaniya at sinunggaban sa leeg. Sinakal siya nito. Lumabas na ang pagkamaldita nito, ang totoong ugali nito. "Isusumbong ko kayo kay Sir Alexo!" Pero hindi nagpakita ng takot si Maiza. Mariin niyang hinawakan ang isang kamay ni Ate Olivia na sumasakal sa kaniya. Gusto niya iyong tanggalin pero malakas pa rin si Ate Olivia sa kabila ng edad nito. "Subukan mo, Maiza, at nang makita mo ang totoong ako!" Lalong naging madiin ang pagsakal sa kaniya ni Ate Olivia. Namula na ang mukha ni Maiza. Nawawalan na siya ng hangin. Pero matalim pa rin ang tingin niya sa ginang. Tinatagan niya ang sarili niya para walang makita si Ate Olivia na kahit ano mang takot sa kaniya. Dapat siyang magpakatatag ngayon. Kahit ngayon lang dahil ginawa siyang tanga. "H-hindi a-ako papayag na mag… na magpatuloy ang kababuyan niyo!" Hirap man siya sa paghinga ay pinilit din niyang magsalita. Kita niya na nagbukas ang pinto ng silid at iniluwa roon si Olmer. Lalong nagliyab ang galit ng mata niya nang makita ang lalaking itinuring niyang asawa pero masahol pa sa demonyo pala. Hayok sa laman! Kahit matanda pinapatulan! Lumapit sa kanila si Olmer pero hindi man lang ito umawat. Kampanteng umupo lang ito sa gilid ng kama at nakangisi pa ang animal. Naglabas ito ng stick ng sigarilyo, sinindihan, at hinithit kahit alam na bawal ang sigarilyo sa loob ng ospital. "Isusumbong daw tayo ng gagang ‘to," galit na sumbong ni Ate Olivia kay Olmer saka padaskol na binitawan ang leeg ni Maiza. Uubo-ubo na napahawak sa leeg si Maiza pero hindi siya nagpakita pa rin ng kahinaan. "Aaaaahhh!!!" Subalit napahiyaw siya ng sakit nang idiin ni Olmer sa kaniyang binti ang sigarilyo. Napangisi si Ate Olivia sabay halukipkip. Tumayo si Olmer at ito naman ang sumakal kay Maiza. "Subukan mo at ako mismo ang papatay sa inyong mag-ina," saka nagbababalang sabi na parang demonyo ang boses. Napahagulgol na ng iyak si Maiza. "Paano mo 'to nagagawa sa 'kin, Olmer? Ano’ng kasalanan ko sa 'yo?" Tigmak ang luha ng mata niyang tumitig kay Olmer. "Simple lang dahil kasangkapan ka lang sa 'kin. Tanga ka, eh," nakangiting sagot ni Olmer. "Huwag!" nahintakutang sigaw ni Maiza nang umakma itong susuntukin ang tiyan niya. "Huwag! Maawa ka sa anak ko! Sa anak natin, Olmer! Huwag mo siyang sasaktan! Utang na loob!" sumamo niya. Biglang sumibol sa damdamin niya ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Iniharang niya ang dalawang kamay niya sa kaniyang tiyan. "Huwag please. Ako na lang ang saktan mo, huwag lang ang anak ko.” Marahas siyang binitawan ni Olmer. "Pwes, itikom mo 'yang bibig mo kung gusto mong mabuhay kayong mag-ina!" at anito sabay tulak sa ulo niya. Walang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak si Maiza. Iniwan siyang parang basang sisiw ng dalawang mga hayup.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD