CLICK - tunog nang nabuksang lock ng pinto ng silid na kinaroroonan ni Yumi. Matapos doon sa sala ay pinalipat siya ni Sir Alexo sa guest room para makapagpahinga raw siya ng maayos at walang istorbo. At napangisi siya dahil alam niya agad na si Olmer ang pangahas na pumasok. Hindi siya tumingin. Natitig siya sa kisame. "Yumi?" Umupo sa gilid ng kama si Olmer. "Umalis ka na rito," at maniubra sa kaniya agad-agad. Tiningnan niya ito ng masama saka padaskol na binawi ang kaniyang bisig. "Bakit, Olmer? May kinakatakutan ka ba habang nandito ako?" diretsahang tanong niya. "W-wala, Yumi, pero sige na umalis ka na rito. Maayos ka naman na, 'di ba?" Hinila siya ulit nito pero pumiksi siya. "Ayoko. May gusto pa akong makita sa bahay na ito." Halos magsalubong ang dalawang kilay ni Olmer. Na