"Olivia! Rigo! Tulungan niyo ako!" sigaw ni Sir Alexo na nagpataranta sa dalawang tao sa bahay. Halos sabay sina Ate Olivia at Rigo na lumabas sa magkabilang silid. "Ano ba 'yon? Ano ba 'yon, ha?" hestirya ni Ate Olivia na lumabas sa silid. Pupungas-pungas naman si Rigo na bagong gising. "May nasagi ako. Dali tulungan niyo ako," sagot ni Sir Alexo habang maingat na ipinapaupo sa sopa ang isang babaeng inaalalayan nito. "Ay sus, Diyos ko. Iyan na nga ba ang sinasabi ko dahil minsan kaskasero ka rin sa pagmamaneho!" bulyaw ni Ate Olivia sa asawa nang makalapit. Napakunot-noo naman si Rigo dahil parang pamilyar sa kaniya ang mukha ng babae. Tinginan sila pero ang babae ay nagyuko ng ulo pagkatapos. "Bakit hindi mo pa siya dinala sa ospital?!" bulyaw ulit ni Ate Olivia kay Sir Alexo sa