"Absent po si Iris?" pansin agad ni Maiza habang inililibot ang tingin sa buong flower shop. Tahimik kasi at mag-isa lang si Therese. Ito ang nagbabalik sa display rack sa mga bulaklak na dapat ay trabaho ni Iris o siya depende sa mauuna sa kanilang dalawa. "Oo raw, sila ni Yumi. Si Iris masama raw ang pakiramdam at si Yumi ay may lakad daw. Eh, ikaw? Bakit pumasok ka na? Kaya mo na ba?" nag-aalala ang tono ni Therese. Inalalayan siya nito sa pagpasok sa shop. "Opo, okay na po ako. Sayang pala at absent ngayon si Yumi." "Bakit? May kailangan ka sa kaniya?" "Hihingi po sana ako ng sorry kasi dahil sa akin ay nasugatan siya." "Kuu, wala 'yon. Mabait si Yumi at talaga namang maalalahanin kahit pa sa hindi niya kilalang tao. Hindi mo na kailangang mag-sorry, naiintindahan ka niyon. Sabi n