Kahit isang segundo ay hindi nagawang ipikit ni Maiza ang kaniyang mga mata para matulog, bagkus patuloy lang siya sa pagluha habang ang mga nasa kabilang kuwarto ay sarap-sarap na sa bawal na pagniniig. "Olmer..." ungol ni Ate Olivia. Kulang na lang ay mahimatay ang ginang sa sarap na ipinapadama rito ni Olmer. At sa ikalawang beses, parehas nilang narating ang rurok ng langit na gustong-gusto ni Ate Olivia na pinupuntahan sa kabila ng edad nito. Lupaypay ang dalawang katawan na hubo't hubad at pawisan. Latang-lata si Olmer na umalis sa ibabaw ng palaban pa ring katawan ng ginang. "Sige na, Olmer, pumasok ka na sa silid niyo," anas ni Ate Olivia kay Olmer nang nakapagpahinga na sila. "Mabuti pa nga," sang-ayon ni Olmer. "Nga pala kailan mo pala ibibigay sa akin iyong buy and sell ko