"Bakit ka lumabas ng kotse?!" may pag-aalalang tanong ni Rigo kay Maiza nang makipag-unahan pa ang dalaga sa pagsaklolo kay Olmer. "Asawa ko pa rin siya, Rigo, at ama ng anak ko,” lumuluhang sagot ni Maiza. Napailing na lamang si Rigo. Hinayaan na nito si Maiza. Naging mailap na lamang ang mga mata nito sa pagtingin sa paligid. Nag-aalala na baka bumalik pa ang bumaril kay Olmer. "Olmer?! Olmer?! Gumising ka, Olmer!" Lumuluhang pinangko ni Maiza ang ulo ni Olmer at tinapik-tapik nito sa pisngi. “M-Maiza…” Napapangiwi si Olmer. Hawak nito ang may bandang dibdib na duguan. “Olmer, huwag kang bibitaw. Huwag kang pipikit,” hagulhol ni Maiza. Hindi na niya nakita ang pagsulyap sa kaniya ni Rigo na tila nasaktan sa labis na pag-aalala pa rin niya kay Olmer sa kabila ng kasamaang ginawa nito