Hindi na nagtaka si Yumi nang nakita niyang pumasok sa silid na kinakukulungan sina Olmer at Ate Olivia. Hindi siya nagpakita ng takot sa dalawa, bagkus ay masamang tingin ang pinukol niya sa mga ito. Sabi na nga ba niya’t sila nga ang may kagagawan nito. Sabagay sino pa nga ba? Ngumisi sa kanya si Ate Olivia at tinaasan siya ng isang kilay habang humahalukipkip. Maldita talaga ang ginang sa hitsura pa lang nito. Si Olmer ang agad lumapit sa kanya pagkatapos i-lock ang pinto pero bago pa man ito makapagsalita at mahawakan siya ay isang sampal ang agad pinakawalan niya sa mukha nito. Gulat si Olmer na nasapo ang pisngi nito. Sa lakas niyon ay namula agad ang pisngi nito. And he deserved it! “Don't touch me! I'm disgusted with you!" madiin niyang bulyaw. Nagngangalit ang kanyang mga ngi