Pumasok si Olmer sa kusina. Natigilan ito nang makitang nandoon pala si Rigo at nagkakape. "Mahilig ka rin pa lang magkape tulad ni Sir Alexo," pansin niya rito. Siya ang pinansin ng kapwa binata. Napakamot na lang siya ng batok at ginawa na rin ang sadya; ang ipagtimpla ng gatas si Maiza na ngayon ay nasa silid na nila at nagpapahinga. Hindi niya alam ang pasimpleng pagsulyap sa kaniya ni Rigo habang humihigop ng kape. Masama ang tingin na 'yon ni Rigo. Parang pinag-aaralan ang buong pagkatao ni Olmer. "Ay, siya nga pala, pare, salamat ha? Salamat sa pagsundo mo sa asawa ko sa ospital kanina," sabi ni Olmer nang matapos gumawa ng gatas na pambuntis at naalala ang ginawang iyon ni Rigo. Sa puntong iyon, kahit paano ay tinanguan na siya ni Rigo. "Huwag kang mag-alala babawi ako," sab