Napangiwi si Yumi nang ipilit niyang imulat ang kaniyang mga mata. May kumirot sa likod ng ulo niya kaya nasapo niya iyon. At nang tingnan niya ang palad ay may kaunting bahid ng dugo na nagmantsa roon. Sinalkuban siya ng matinding takot. What happened? Inilibot niya ang buong paningin sa paligid. The place was unfamiliar to her. Isang maliit na kuwarto pero maayos naman at malinis. Green ang pintura ng dingding. Walang bintana. May lagayan ng damit na gawa sa kahoy. May isang monobloc na upuan sa tabi niyon. At ang nagpapahangin lang sa buong kuwarto ang ceiling fan na mumurahin sa may kisame. Nasaan siya? Kaninong kuwarto ang kinaroroonan niya? Pinilit inalala ni Yumi ang pinakahuling nangyari. After niyang kumprontahin si Olmer ay paalis na sana siya. "Yumi, sorry. Sorry na. God k