Part 14

1183 Words
Ilang beses pa na namatay ang tawag at nag-ring ang cellphone ni Yumi. Nakatitig lang si Maiza roon na mangiyak-ngiyak. Paano nga kung si Olmer na asawa niya pala iyon? Gusto nang manikip ang dibdib niya. Nagsisitayuan pa rin ang mga balahibo niya sa katawan. Ang init na rin ng mukha niya. Tumingin ulit siya kay Yumi. Kausap ng dalaga ang gas boy na naglagay ng gas sa kotse nito. Magbabayad na rin yata. At nang ibalik niya ang tingin sa phone ay umangat na nang kusa ang isang kamay niya at unti-unting lumapit iyon sa cellphone para kunin at sagutin ang tawag. Hawak na niya iyon. Handa na niyang alamin ang katotohanan kung sino ang Olmer na tumatawag sa dalagang amo. Kailangan niyang malaman ang totoo. "Is anyone calling, Maiza?" Subalit bigla ay pumasok na ng kotse si Yumi. "O-opo. Kanina pa, Ma'am. Ibibigay ko na sana sa iyo," sagot niya na may kasinungalingan. Kinontrol niya ang boses pero nautal pa rin siya. "Heto po." Pati man ang kamay niya ay nanginginig nang iniabot niya ang mamahaling aparato sa amo. "Ay, ang boyfriend ko pala." Kabaliktaran niya, umaliwalas naman lalo ang mala-anghel na mukha ni Yumi nang makita nito ang tumatawag. "Hello, Hon?" sagot na nga nito sa caller saka sinenyasan siya ng wait lang. Tumahimik si Maiza habang lihim na nasasaktan. Lihim na nadudurog ang puso. Lihim na hinihiling na sana hindi si Olmer na asawa niya ang kausap ngayon ni Yumi. Pinayapa niya ang damdamin sa naisip niya na madami namang magkakapangalan sa mundong ito. Baka magkapangalan lang ang asawa niya at nobyo ni Yumi. At saka baka mali ang pagkakabasa niya. Baka Oliver iyon, hindi Olmer. Baka Ommer, hindi Olmer. Baka sa kakaisip niya sa asawa ay nag-assume lang siya na Olmer iyon. Ang daming 'baka' sa isip niya. "Hindi mo ako masusundo?... Gano'n ba... No, no. It's okay... Yeah, pauwi na rin naman ako... Okay, sige bukas na lang tayo magkita... Oo naman. I understand... I love you, too, Hon." Dinig na dinig niyang pakikipag-usap ni Yumi sa Olmer na nasa kabilang linya. Nang tumingin sa kaniya ang amo ay nag-iwas siya ng tingin, pero mas grabe pa ang pagdagundong ng kaniyang dibdib. Wala sa loob na natutop niya iyon dahil para na siyang mapuputulan ng hininga. Para siyang inagawan ng lakas. Muntik-muntikan na siyang lumabas ng kotse at nagtatakbo palayo. "Maiza, bakit? What's wrong?" nag-alalang tanong ni Yumi sa kaniya na walang kaalam-alam. "Okay lang po, Ma'am. Parang sumikip lang ang dibdib ko.” Pinilit niyang maging normal ang kaniyang tinig. Iniiwas niya ulit ang tingin sa takot niya na baka biglang bumulwak ang mga luha niya kahit na hindi pa naman siya sure sa kaniyang hinala. "Are you sure?" Subalit mas nag-alala pa sa kaniya si Yumi. Nakakunot na ito ng noo na napatitig sa kaniya. Hindi siya sumagot at tumingin. "Maiza?" pero pangungilit ni Yumi. Magaang ipinatong nito ang kamay sa kaniyang isang binti. Napatingin siya sa kamay nito tapos ay dahan-dahang umangat sa napakagandang mukha nito. Gusto niyang magtanong pero parang may bumara naman sa kaniyang lalamunan kaya naman umiling na ilang sya. Hindi, hindi niya kaya. Ayaw niyang magtanong. Hindi niya kayang malaman ang katotohanan. Natatakot siya. Natatakot siya dahil ano ba’ng laban niya sa isang Yumi kung sakali mang totoo na iisang lalaking lang ang minamahal nila? Wala! Walang-wala! "Sige, iuwi na kita," ani Yumi nang hindi na siya nagsalita pa. Pinaandar na nito ang sasakyan. "S-salamat po, Ma'am," alanganing wika niya. Naginhawaan siya nang umandar ulit ang sasakyan. Gusto na niyang maghiwalay sila ni Yumi at baka kung ano pa ang masabi niya o matanong. Tumango naman ito. At buong byahe, manaka-naka ang sulyap nito sa kaniya. Nag-aalala pa rin. Laking pasalamat ni Maiza nang narating pa niya ang bahay ni Ate Olivia kahit na nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Sa may kanto lang siya naihatid ni Yumi dahil hindi na kasya ang kotse nito roon. Gusto pa nga ihatid siya kahit maglakad na raw ito pero todo ang naging tanggi niya. Sinabi niya na maraming tambay at baka pagtripan pa ito dahil sobrang ganda nito at halatang mayaman. Sinabi niya na delikado which is totoo naman. Kahit walang magsabi sa kaniya ay alam niyang may mga halang din ang kaluluwa sa lugar nina Ate Olivia. Hindi lang siya magalaw dahil alam na nila na dito siya nakatira kina Ate Olivia. Takot lang nila sa sundalong asawa ni Ate Olivia. At ang kabog ng dibdib ni Maiza ay mas lumala nang makita niyang ang magandang pagkakahiga ni Olmer sa kama nila. Pangiti-ngiti kasi ito habang busy sa cellphone nito. Ni hindi nga naramdaman ang pagdating niya. Enjoy na enjoy sa pagti-text. Humugot muna ng lakas si Maiza sa dibdib bago lumapit sa asawa at pahablot niyang kinuha ang cellphone. "Ano ba?! Ang bastos mo, ah!" singhal agad sa kaniya ni Olmer sa pagkagulat. Hindi na niya na ‘yon narinig o ininda dahil sa nabasa niyang pangalan ng ka-text nito. "Yumi?" naibulalas niya na hindi napigilan ng bibig niya. Kasunod niyon ay ang animo’y pagka-estatwa niya sa kinatatayuan. Nag-uunahan agad sa pagpatak ang mga luha sa mga mata niya. Diyos ko, tama nga ang hinala niya! "Akin na nga 'yan! Bwisit ka!" Hinablot ni Olmer sa cellphone. "Pakialamera!" bulyaw pa nito sabay pakawala ng malutong sampal sa pisngi niya. Halos masubsob si Maiza sa kama nila. Mas natigagal siya habang hawak ang pisnging namumula agad. "Sa susunod magpaalam ka muna! Buwisit ka!" Akmang aalis si Olmer pagkatapos sabihin iyon. "Kailan pa?! Kailan pa na kayo ng Yumi na 'yan?!" asik ni Maiza sabay ang marahas na pagtayo. Kuyom na kuyom niya ang dalawang palad sa matinding galit. Matulis ang tinging pinukol sa kaniya ni Olmer. "Gusto mong malaman talaga?!" "Oo!" parang mababaliw na sigaw niya. Nagmarka pa ang ugat niya sa leeg na animo’y anumang sandali ay puputok ang mga litid niya roon. Lumapit si Olmer sa kaniya at marahas na hinawakan ang panga niya. Napangiwi siya sa sakit at napatingala. "Matagal na! Hindi pa kita kilala, eh, kami na! At mahal na mahal ko siya! Siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay! Si Yumi lang! Naiintindihan mo!" pag-amin na nga Olmer. Inilapit nang husto ang galit na mukha nito sa mukha niya. Pagkatapos ay marahas na itinulak siya sa kama. Napahagulgol na sa iyak si Maiza. "Ano?! May sasabihin ka pa?! Gusto mo akong awayin?! Hihiwalayan mo ako?! Sige, go! Umalis ka na! Lumayas ka na sa pamamahay na ito para wala na akong problema sa 'yong buwisit ka!" duro pa ni Olmer sa kaniya sabay sipa sa paa niya. Nag-iiyak lang siya. Hindi pa nakuntento si Olmer, sinakal pa siya nito. "Uulitin ko! Si Yumi ang mahal ko at hindi ikaw! Walang-wala ka sa kaniya! Ginagamit lang kita, tanga!" saka anito kasabay ng pagduro-duro nito sa noo niya. Walang nagawa si Maiza kundi ang umiyak lang pa rin nang umiyak. Masakit malaman na may ibang babae si Olmer pero mas masakit pa ang mga binitawan nitong mga salita na mas mahal nito ang babae nito kaysa sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD