CHAPTER 10

1385 Words
SUBALIT IMBES na mga bintana at kisame ng silid ni Konrad ang inasikaso ni Zyren ay ang mga kurtina sa sala ang ipinagawa sa kanya ni Manang Sara.  May palagay daw kasi itong hindi naman talaga intensyon ng amo nila na ipagawa iyon sa kanya.  Nadala lang daw ito nang mainis ito sa kanya.  Kaya ngayon ay heto siya, pinipilit na abutin ang mataas na sabitan ng mga kurtina.  Pero nangangalay na ang mga braso niya ay hindi pa rin siya tapos.  Apat na kurtina pa ang kailangan niyang tanggalin. Ngayon ay mas lalo akong humanga sa mga katulong.  Hindi biro ang magtanggal ng kurtina, much more ang magtanggal ng anim na kurtina.  Kaya tumuntong na siya sa isang silya upang mas mapadali ang ginagawa.  Ngunit inabot naman siya ng malas dahil umuga ang silya at tuluyan na iyong natumba.  Mabuti na lang at nakakapit siya sa mga kurtina.  Kaya ngayon Tarzan ang drama niya. “Bawal ang maglaro dito sa oras ng trabaho.” Nilingon niya ang nagsalita.  Konrad was sitting on a nearby sofa, reading a newspaper.  “Sir!  Ang guwapo natin ngayon, ah.  Puwede ho bang magpatulong na makababa?” “No.”  Ni hindi man lang siya nito nilingon.  “Marunong kang umakyat diyan na mag-isa, matuto kang bumaba ng mag-isa.” “Pero, Sir—ay, kabayo!”  Napunit na kasi sa sabitan ang kinakapitan niyang kurtina.  Kaya naman niyang bumaba sana kung wala lang na mga naka-display sa bababaan niya.  Kung hindi siya tutulungan ni Konrad, malamang— “You’re a klutz, woman.”   Pagkatapos ay naramdaman na lang niya ang paglapat ng dalawang kamay sa kanyang mga beywang.  Ilang sandali pa ay naramdaman na lang niyang binubuhat na siya ng nagmamay-ari ng boses na iyon.   Konrad… Nang sa wakas ay makalapat na ang kanyang mga paa sa carpeted floor ay ito na mismo ang nagtanggal ng mga kurtina.  Isa-isa nito iyong itinapon sa kanya. “Sir, salamat.” “Huwag kang magpasalamat.  Ibabawas ko ito sa suweldo mo.” Okay lang.  Hindi naman suweldo ang habol niya roon, eh.  “Salamat na rin, Sir.  Akala ko katapusan na talaga ng kagandahan ko.  Mabuti na lang at iniligtas mo ako, Sir.” “Not really.”  Bumalik na ito sa kinauupuan kanina.  “You’re just a bit stupid with the curtains.  Sabihin mo mamaya kay Manang Sara na huwag ka ng palalapitin sa kahit na anong kurtina.” “Sir, minor accident lang iyon.  Kaya huwag ka ng masyadong mag-alala sa akin.”  Nakagat niya ang dila nang balingan siya ni Konrad.  Napuna na naman nito ang pananalita niya.  Dapat na talaga niyang pag-ingatan ang kanyang mga sinasabi dahil doon lumalabas ang totoong pagkatao niya.  “Sir, gusto mo ng kape?” “Tanghaling tapat.  Bakit ako iinom ng kape?” “Oo nga, Sir.  Ang tanga talaga ng taong umiinom ng kape sa tanghali.”  Ibinalumbon niya ang anim na kurtina upang hindi sagabal sa pagmamasid niya sa guwapong mukha ng amo.  “Sir, juice, baka gusto mo.” “Hindi na.” “Ice tea?” “No.” “Water?” “No.” “Wine?”  Masama na ang tingin nito sa kanya.  Pero humirit pa rin siya.  “Masahe, Sir?” “No!” Ewan niya kung bakit pero basta na lang siyang natawa.  Siguro dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo nito at bahagyang pamumula ng mukha.  And he was just so adorably cute all flushed out like that. “Hindi ka ba natatakot sa akin, Zyren?” mayamaya’y tanong nito. “Sir?” “Ni minsan ay hindi kita nakitang umurong kapag papalapit na ako.  Balewala rin sa iyo kung umuusok man ang bumbunan ko sa galit.” “Sir, tumitingin ka ba sa salamin?” “What?” “Ang mukhang gaya ng taglay mo, hindi dapat katakutan.  Kapag nagagalit ka, mas lalo kang nagiging cute sa paningin ko.  Minsan, Sir, subukan mong magalit tapos humarap ka sa salamin.  Tingnan mo ang sarili mo.  Siguradong matutuwa ka rin sa makikita mo.” Hindi ito umimik ngunit nahalata pa rin niya na nagustuhan nito ang kanyang mga sinabi.  Aruuuuuu!  Ang aking bebeh ay marunong na ring mamingwit ng compliments! “Kung iniisip mo kung bakit hindi ako tulad ng ibang katulong dito sa bahay mo, ang totoo pareho lang naman kami.  Hindi sila takot sa iyo.  Masyado lang malaki ang respeto nila sa iyo kaya ayaw ka nilang bigyan ng ikasasama ng loob.  Magkaiba nga lang ang paraan namin ng pagpapakita nun.” “Nirerespeto mo pa rin pala ako ng lagay na iyan.” “Siyempre naman.  Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako makakawala sa mga kuko ng dati kong amo.”  She’s really good this.  Pero ano nga kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ang totoo niyang kuwento?  Baka batuhin siya nito ng brief.  Wala sa loob siyang napahagikgik.  Natigil lang siya nang balingan siya nito.  “Pero makakatulong na hindi ka masyadong seryoso, Sir.  Para kahit paano ay lalapitan ka pa rin ng mga tauhan mo rito.  At nang hindi ka lagi mukhang nag-iisa.” Ibinalik na nito ang atensyon sa binabasa.  “Puwede ka ng magpahinga.  Balikan mo na lang iyang ginagawa mo pagkatapos.” “Hindi puwede, Sir.  Masyado kayong expose dito kung hindi ko papalitan ang mga kurtina.” “You can’t even take it off.”  Nilingon nito ang mga binata na nagbibigay na ngayon ng liwanag sa malawak na sala.  At tila ba ngayon lang nito napansin ang bagay na iyon.  “Its fine.” “Sir?” “I said its fine.  Leave it like that for a while.” “Ikaw ang bahala.”  Tiningnan din niya ang nakabukas na mga bintana.  “Kunsabagay mas maganda nga kung natural na liwanag ang gamit dito sa sala.  Parang mas magaan sa pakiramdam ang lahat.  Hindi ba, Sir?” “Oo.” Ito naman ang binalingan niya.  Nagulat kasi siya dahil sa unang pagkakataon ay sumang-ayon ito sa kanya.  At tila kay layo ng isip nito nang mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana.  He looked like he was thinking of someone.  Girlfriend? No! kontra agad ng kontrabida niyang isip.  Walang girlfriend iyan!  Wala!  Umayos naman din agad ang pakiramdam niya.  Wala nga naman itong girlfriend kaya bakit niya ipagpipilitan na ikasasama lang naman ng loob niya.  Iniwan na niya si Konrad sa kung ano mang iniisip nito nang mga sandaling iyon. “Zyren.” “Yes, Sir?” “Take a break.” “Okay.” “Dito lang sa loob ng mansyon.  Hindi ka puwedeng lumabas.” Ay.  Naisip pa naman niyang puntahan ang pinsan niya para ikuwento ang mga bago niyang pakikipagsapalaran sa pag-ibig.  Pati na rin ang munting eksena nila kanina kung saan binuhat pa siya talaga bago siya mahulog nang tuluyan.  Sweet. “Pagsabihan mo ang boyfriend mo na hindi ka puwedeng puntahan dito,” wika nito.  “Kapag day-off, tsaka lang kayo puwedeng magkita.  At hindi dito sa paligid ng subdivision kayo nagkikita.  Hindi ka ba niya madala sa matino-tinong lugar tulad ng mga restaurants at simbahan?” “Sir?”  Ano ba ang pinagsasasabi nito? “’Yung lalaking nakita kong kasama mo kahapon, ayoko siyang makikitang umaali-aligid dito.” “Lalaki?  Ah, si Andrei ba?  Naku, Sir, mahihirapan tayong idispatsa iyon.  Dito kasi siya sa village nakatira.” “Kung ganon tama lang na huwag mo siyang sagutin.  Hinid siya marunong manligaw.” “Tama kayo diyan, Sir…”  Doon lang may kung anong ideya na sumulpot sa isip niya.  Napangisi siya.  “Nagseselos ka ba kay Andrei—“ “Hindi.  Now leave me alone.” Nakasimangot na siya nang talikuran ito.  Nakakasura talaga ang Konrad na iyon.  Kung hindi lang niya ito mahal, sinabunutan—Teka, mahal?  Kailan pa napasok sa utak niya ang salitang iyon?  When did she fall inlove with him?  Kinabahan siya sa naisip.  Talagang mahal na niya ang lalaki?  Pero paanong nangyari iyon nang hindi niya namamalayan?  Naalala niya ang minsang sinabi ng pinsan niya na siya lang ang tanging makakasagot sa sarili niyang katanungan pagdating sa isyung iyon.  Kaya pinakiramdaman niya ang sarili, nag-isip at nagtanong.   Am I inlove with him? Yes. Oh, my gulay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD