CALIX HABANG yakap-yakap ko si Kaycee, bigla na lang tumuon ang aking mga bata sa batang lalaki na kahawak-kamay ng yaya. Ito ang batang kasamang dumating ni Kaycee kanina. Sobrang cute niya kahit namumula ang ilong at mga mata niya. Panaka-naka rin siyang humihikbi. Sa kabila ng akin pagkaaliw sa ka-cute-an niya, bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya nang mapayakap siya nang mahigpit sa kaniyang yaya. I have this feeling na parang gusto ko rin siyang yakapin, i-comfort. Kahit hindi ko naman alam ang dahilan ng pag-iyak niya. Nararamdaman ko rin na parang hindi lang awa itong nadarama ko sa kaniya. I feel something strange inside my chest. Parang bigla na lang kumabog nang mabilis ang puso ko. Lalo na nang mapatingin ako sa kaniyang mga matang itim na itim at namumungay. Pamilyar din s

