HAPPY ILANG araw pang nanatili rito sa ospital si Ray. Dahil kahit okay na siya, marami pang mga test ang kailangang isagawa para masigurong ligtas na nga siya sa panganib. Hinihintay na lang naming ang resulta para makalabas na. At sa ilang araw na iyon ay hindi ako umalis sa tabi niya. Ipinaglaban ako ni Ray sa parents niya dahil ayaw ng mga ito, lalo na ang kaniyang ina na nandito ako. Hindi rin kasi umaalis sa tabi niya si Lizzy. Baka raw magkagulo kaming dalawa at maeskandalo ang kanilang pamilya. Pero nangako naman ako kay Ray na hindi ko na lang muna papatulan ang kaniyang ina sa ano mang sasabihin nito sa akin, alang-alang sa kalagayan niya. Tungkol naman sa ex-fiancee niya, hindi ko naman nakikita na magkakagulo kaming dalawa. Wala namang ginagawa si Lizzy para ikagalit ko. Oo

