INUBOS muna ni Zarina ang laman ng baso niya bago naisip sundan si Kenji upang isara ang gate pagkaalis nito ngunit pagdating niya sa labas ay namataan niya si Kenji na nakasandal sa likod ng concrete bench sa may parking lat. Mukhang wala pa itong balak umalis. "Para saan ang sulat na iniwan mo noon sa kuwartong inuukupa ko sa Shanghai?" tanong nito habang nakatingin sa direksiyon ng gate. Natigagal siya. Hindi na niya masyadong maalala kung ano ang mga isinulat niya sa papel kasama ang address niya. "Gusto ko lang magpasalamat sa pag-alaga mo sa akin noong nasa isla tayo," sabi lamang niya. "What about the others?" "Anong others?" kunot-noong tanong niya. Tumayo ng maayos si Kenji at humahalukipkip na humarap sa kanya. "Marami ka pang sinabi sa sulat, na ilang gabing gumugulo sa i