PAG-APAK ni Zarina sa sahig ng sala ay nagulat siya nang mamataan si Renzo na kalalabas ng kusina. Napawi ang magkahalong emosyon na naramdaman niya kanina. Pero nagtataka siya bakit ito naroroon. Ang alam niya'y umalis na ito kanina. Napansin niya ang kakaibang kilos nito, tila hindi mapakali. "Akala ko nakaalis ka na. Bakit bumalik ka? May nakalimutan k aba?" tanong niya rito. Hindi ito umiimik habang humahakbang palapit sa kanya. Huminto ito sa tapat niya may dalawang dangkal ang pagitan sa kanya. "Hindi ka puwedeng mag-isa rito, Zarina," anito pagkuwan. "Ano?" Nagtataka siya sa punto ng pananalita nito. Napakalamig ng boses nito at malayao sa nakasanayan niya na palaging matigas ang tinig. "Kailangan kitang bantayan," anito. "Bakit? Kaya ko nang mag-isa rito, eh. Kahit naman noong