HINDI makapalag si Zarina dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ni Elena. Pakiramdam niya'y malalagutan na siya ng hininga. Kinapa niya ang emergency button. Matapos niya iyong mapindot ay dinaganan naman siya ni Elena. Nagulat siya nang makita ang hitsura nito na maputla at nangingitim ang paligid ng mga mata. Halos pulos puti na lang ang mga mata nito. "Wala kang karapatang lumigaya! Habang buhay mong pagsisisihan ito!" marahas na sabi nito. Pilit pa rin niyang inaalis ang kamay nito sa leeg niya ngunit tila doble ang lakas nito. Narinig niyang bumukas ang pinto at may ilang pumasok. Napaubo siya nang sa wakas ay nabitawan siya ni Elena. Nang tingnan niya ito ay gapos na ito ng dalawang nurse na lalaki. Nagwawala ito. Kumislot siya nang may brasong yumapos sa kanya. Tulala siyang t