NAGKULONG sa kanyang kuwarto si Zarina. Maya't-maya ang tingin niya sa kanyang cell phone sakaling tatawag si Kenji o si Elena man pero isang oras na ang nakakalipas ngunit tahimik ang cell phone niya. Hindi niya namamalayan na tumutulo na ang luha niya habang yakap ang mga tuhod na nakaluklok sa sulok ng kama. Nakatulugan na lamang niya ang pagluha ngunit hindi siya inabala ng pagtunog ng cell phone. At sa muling paggising niya'y tumutulo na naman ang luha niya. Hindi na talaga siya tinawagan ni Kenji. Pakiramdam niya'y tapos na ang papel niya sa buhay ni Kenji. Ang papel niya bilang pansamantalang kapalit ni Elena. Hindi pumasok sa trabaho si Zarina, sa halip ay pumunta siya sa bahay ng mga Del Carmen. Inaatake na naman ng sakit nito si Alfonso. Upang makabawi ay nagkusa siyang alagaa