BAGO pa tuluyang kumagat ang dilim ay bumiyahe na sina Zarina at Kenji pabalik sa Lucena. Napansin ni Zarina ang pananahimik ni Kenji. Hindi niya mahulaan kung ano ang iniisip nito. Kanina bago sila umalis ay kinausap pa ito ni Margareta na halos naghintay siya ng sampung minuto. Hindi niya alam kung gaano na kahaba ang pinagsamahan ng dalawa at parang close ang mga ito sa isa't-isa. Hindi niya maisawasang isipin na baka may espesyal na nakaraan ang dalawa. Naalala niya noon na si Margareta pala ang kasama ni Kenji sa ospital. Kaya nga napagkamalan niya na mag-asawa ang dalawa. "Ahm, Kenji, matagal na ba kayong magkakilala ni Margareta?" hindi natimping tanong niya sa binata. Hindi kaagad nakaimik si Kenji. Panay ang buntong-hininga nito. "Matagal na. Actually, siya ang first love ko,"