NATATAKOT nang sumakay ulit si Zarina sa kabayong si Sky. Sa buong buhay niya'y hindi pa siya nahuhulog mula sa matataas na lugar, maliban noong tumalon sila ni Kenji mula sa eroplano. Pinagmamasdan lamang niya si Kenji habang inilalapit sa kanya si Sky. "Sakay na!" anito. Hindi pa rin siya kumikilos kahit nasa harapan na niya si Sky. "Ayaw ko nang maulit ang nangyari kanina," aniya. "Hindi na iyon mauulit. Promise hindi na kita hahalikan sa batok." Hindi pa rin siya kumikilos. Mamaya'y nilapitan siya nito at biglang binuhat paakyat sa likod ni Sky. "Grabe, ang bigat mo pala," anito matapos na matagumpay siyang iupo sa likod ni Sky. Pagkuwa'y sumampa na rin ito at pumuwesto sa likuran niya. "Calm down, sweetie," anas nito sa kanyang tainga habang hinihila ang tali ni Sky. Nagsisimul