Jelsea's POV Nakatulog na ako sa paghihintay na makabalik si Ate Jasmine rito sa attic. Nakahiga ako rito sa lumang kama na hindi na marahil ginagamit dahil nakatambak na lang dito. Malinis naman at hindi maalikabok kaya pinagtiyagaan ko na kaysa sa malamig na sahig ng attic ako matulog. May naglilinis naman siguro rito every week dahil parang walang alikabok sa buong paligid. Sabagay, sarado ang mga bintana at pintuan kaya malamang walang makakalusot kahit ga-mikrobyo na dumi. Sina Daddy at Mommy ay nasa malapit sa bintana. Nakakubli sila habang sumisilip sa nangyayari sa baba. Hindi ko alam kung nakikita nila ang nangyayari o baka sumisilip lang sila para may makita sila roon sa baba. Mukhang natagalan yata ang pag-uusap nila roon sa baba? Nagdududa yata ang lalaking iyon? Kung ipaha