Walden's POV “Sir! Bawal po kayong pumasok diyan! Private property po iyan!” Pigil sa akin ng matandang security guard na agad na hinawakan nina Matias at Wallace na sumusunod sa akin. “Anong bawal-bawal ka riyan, tanda? Hindi mo ba alam na kaibigan ng asawa ng amo mo ang lalaking iyan?” Narinig kong sabi ni Matias sa matandang lalaki na ayaw papigil at nagtawag pa talaga ng kasama para pigilan kaming pumasok. “Fernan! Sergio! Pigilan niyo sila! Trespassing ang ginagawa nila!” Sigaw nito sa dalawang security guard na mukhang niradyo na sa bahay ang pagdating namin dito. Stupid guard! Susurpresahin ko pa naman sina Sky at Jasmine. Baka sakaling mahuli ko si Sky na may tinatago rito. Pwede niyang dalhin dito ang pamilya ni Jelsea lalo na at malayo ito sa town. Liblib pa at masyadong mal