Jelsea's POV “Do you like to go to school again, Jel?” Natigil ako sa paghahalo ng juice sa baso na tinitimplahan ko sa sinabing ito ni Ate Jasmine. Nilapag ko ang juice na nahalo ko sa tapat niya at naghalo naman ng sa akin. "Ha? Bakit, Ate? Pag-aaralin mo ba ako?" Biro ko at saka na naupo sa tapat niya. They are here to visit us. Hindi sila buo na pumunta rito ngayon. Ang kasama lang nila ay ang kanilang mga kambal na malapit ng magbinata at magdalaga. Kambal nilang sobrang magkaiba ang mga ugali. Ang isa ay mainitin ang ulo at ang isa naman ay sobrang bait na akala mo ay hindi makabasag ng pinggan sa sobrang bait. Bagay na bagay sa kanila ang mga pangalan nila. Wind Tyler at Maria Rain Nakadama ako ng kahungkagan sa puso ko nang maalala ko ang anak ko na namatay. Lalaki pa naman