“PALAGI mong tatandaan na ang puso nating mga demon ang unang tatargetin ng kalaban din nating demon.” “Sa isang seryosong laban sa ating lahi, ang pagwasak sa puso ang pinakamabisang paraan upang manalo.” Ang mga sinabing ito ni Lucifer ay tumatakbo sa isip ni Beazt nang oras na iyon. Ramdam niya ang sakit ng atakeng ginawa sa kanya ng kalaban at hindi maipagkakailang malakas talaga ito. “May mga demons na kung tawagin ay Oni. Sila ay ang walong malalakas na heneral ni Magnus. Isa nga sa mga iyon ay ang tinalo mong si Zargus.” Nararamdaman ni Beazt ang paghina ng kanyang aura, ngunit... Napalayo si Marcus nang makita niya ang paghigop ng katawan ng binata sa kanyang itim na aura, ang aura na nakabalot sa kanyang kamay. Pinagmasdan niya si Beazt at nakita niya ang pagda

