AGAD na kumawala ang hangin sa buong sentro ng Purif nang pakawalan ni Marcus ang kanyang malakas na kapangyarihan. Matapos nga siyang paligiran ng mga nagbabantay sa siyudad ay agad naman niyang pinakitaan ang mga ito sa kung ano ba ang taglay niyang lakas bilang isa sa walong Oni. Nagliwanag ang kanyang pulang mga mata habang pinagmamasdan ang mga naglakas ng loob na siya ay harapin dito. “Huwag kayong masyadong maging matapang, sapagkat ni isa sa inyo ay walang magagawa laban sa akin.” Sa pagkalat ng kanyang malakas, at nakakatakot na presensya sa lugar ay nakapagbigay ito ng mapangyanig na pakiramdam sa lahat. Naging dahilan tuloy iyon upang ang mga nasa paligid na hindi ganoon kalakas ay bigla na lang magsitumbahan at mawalan ng mga malay. Ang karamihan sa mga ito ay ang mga p

