ANG AZAZEL’S LEGION ay isa sa walong lugar sa Dead Zone. Pinamumunuan ang lugar na ito ng isa sa walong Oni na si Heneral Zargus. Mayroon siyang walong malalakas na bise-heneral at bawat isa rito ay may mga hukbong hinahawakan. Sa nagaganap na pag-atake nila sa Purif ay may kasama ang mga itong tigda-dalawampung demons. Ilan nga rito ang namatay na bago pa dalhin ni Zargus sa kanyang Parallel World dahil sa Summon ni Kuro. Ngunit ilan din sa mga kasama ng mga ito ay ang mga demons na hindi maiipagkailang may tinataglay na pambihirang lakas. Bawat isa sa walong bise ay may isa hanggang tatlong kasama, na masasabing nalalapit sa kakayahan nila bilang namumuno rito. Tinawag ni Zargus ang walo niyang malalakas na alagad upang makasiguro, upang hindi mabulilyaso ang plano ng kanilang lahi.