MAKIKITANG ang mga demons at ang mga taga-Purif ay biglang kumalat nang ang ilan sa mga ito ay napagdesisyunang harapin ang ilang malalakas na katunggali sa magkabilang panig. May ilang bumukod at may mga nakita pa nga na lumilipad palayo para sa malayo maglaban. Tila ba tipikal na para sa kanila ang ganito, ang makipagtagisan ng lakas sa sinumang makakaharap nila. Ang duwelo ay isang bagay na gusto nilang palaging gawin. Ang mga malalakas ay lalabanan ang mga malalakas at ang mga hindi kalakasan ay ang bahala sa mga kalabang nasa mababang estado sa grupo. Ang mga pagsabog ay kaliwa’t kanang maririnig. Mapapansin din ang pag-angat ng mga lupa sa kung saan-saan. Ang hangin nga rin ay hindi na maintindihan kung saan iihip at kung saang direksyon magmumula. Maririnig din dito ang sigaw ng