LAKING-GULAT ni Myth nang labanan siya ng kapwa niya Oni na si Marcus. Nabigla nga rin siya nang makitang kasama rin nito ang buong hukbo nito sa Legion ng Azael. Tinulungan din ng mga ito ang kanilang kalaban na lalong nagpagulo sa kanyang isip nang oras na iyon. Isa itong malinaw na pagtataksil sa kanilang Panginoon, ngunit hindi niya makita kay Marcus na ito ay kinakabahan o nag-aalinlangan sa ginawa nitong lantarang pagtiwalag sa kanila na labis niyang ipinagtaka. Nagulat na lang din siya nang banggitin nito na may bago na itong kinikilalang pinuno. Nag-isip siya kung saan ito kumukuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. Alam niyang sa oras na malaman ito ng Demon Lord ay isang siguradong kamatayan ang makukuha nito mula rito. "Ang tutupad sa Propesiya..." Ito na nga ang tuma

