97. Limiting His Power

2504 Words

HINDI maalis ang ngisi sa labi ni Myth nang ang paligid ay magbago. Sila ngayon ni Beazt ay nasa itaas na ng isang mataas na bato. Napakalakas ng hangin doon at makikita rin ang ilan pang mga matatarik na bato sa kung saan-saan. Ang paligid ay may kadiliman at kapag tumingin sila sa ibaba ay tanging ang makapal na ulap lang ang kanilang matatanaw. Walang nakakaalam sa kung ano ang nasa ilalim nito, at kamatayan ang sinasabing naghihintay sa sinumang mahuhulog dito.   May kalaparan din naman ang batong kinatatayuan ng dalawa na maiihalintulad sa isang malawak na battle arena. Si Beazt nga ay kasalukuyan nang nagliliwanag ang kanyang Black Aura. Naramdaman kasi agad niya ang pagbabago sa kanyang pakiramdam na tila iniipit siya pailalim. Mabigat din ang gravity dito at ang hampas ng hangin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD