Kasalukuyan: Agad na tumayo ang Mommy at Daddy niya para salubungin ang bagong dating. Napalunok si Patricia at nanatili sa kanyang kinauupuan. Hindi pa niya nakikita si Miko dahil nakatalikod siya rito. Pero kahit dalawang beses pa lang niya itong nakita nang personal at dalawang taon na ang nakalilipas, kabisado na niya ang tinig ni Miko. Isama pa ang amoy ng cologne nito na kabisadong-kabisado na rin niya. "Patricia, nandito na ang asawa mo," narinig niyang sabi ng Daddy niya. Nanatili siya sa kanyang kinauupuan at nakayuko. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Mabilis ang t***k ng kanyang puso. Noon pa man, iyon ang lagi niyang nararamdaman kay Miko tuwing malapit ito sa kanya. Pero parang mas malakas ang kabog ng kanyang dibdib ngayon at mas mabilis ang t***k ng kanyang pus

