Chapter-11

1636 Words
"Nag email ako sa iyo para ipaalam ang pagdating ko ngayon. Nagsabi rin ako sa secretary mo na kailangan kitang makausap dahil pinapauwi na ko ng Daddy ko!" Mariing tugon niya sa asawa. Kung galit ito sa pagdating niya, mas galit siya. "Damn it!" Mura nito at mariing pinikit ang mga mata. Galit ito sa kanyang pagbabalik, dahil mapupurnada ang pambabae nito? Medyo nagulat siya inaasal ng asawa niya, kung noon may kagaspangan na ang ugali nito sa kanya, parang mas naging magaspang pa ang ugali nito ngayon sa kanya. "Hindi mo ba nabasa ang email ko?" Tanong niya rito. "Nabasa ko," tugon nito sa kanya. "Binalewala mo lang," saad niya. "Hindi rin naman kita mapipigilan sa pag uwi mo kahit mag reply pa ko sa iyo," saad nito. "Sina Mommy at Daddy ang nagpupumilit na umuwi na ko," she said. Humugot ito ng malalim na paghinga. Tumaas ang malapad nitong dibdib. Kahit na galit ang mga mata nito, ang gwapo pa rin nitong tignan. "I know, kinausap rin ako nina Papa at Mama, about this," Miko said. "Bakit hindi mo man lang ako sinubukang kausapin, para sana alam ko kung ano ang gagawin ko,' she said. "Wala namang magbabago sa atin, Patricia. Andito ka man o nasa New York, ganun pa rin ang set up natin. Walang makakaalam na mag asawa tayo maliban sa pamilya natin," seryosong saad nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa asawa. Balewala siya rito noon syempre lalo na ngayon dahil tiyak na marami itong nakapilang babae. "Get all your things, aalis na tayo," saad nito sa kanya na kinabigla niya. "What?!" Bulalas niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin rito. "I said, get all your things, iyung mga dala mong gamit, sasama ka sa akin sa bahay ko," tugon nito sa kanya na kinabigla niya. "Sa.. sa.. Bahay mo?' Tanong niya na halos hindi man lumabas sa kanyang bibig. "Iisa ang gusto ng mga magulang natin Patricia, iyon ay ang magsama na tayo at panindigan na ang kagagawan nila. Gusto nila dalawang taon na ang nakakalipas," Miko said. "Anong ibig mong sabihin?" She asked. "Makipag laro tayo sa kanila. Nilaro nila tayo dalawang taon na ang nakakalipas, edi sabayan na natin sila," tugon nito sa kanya. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito. Medyo na di-distract siya sa gwapong mukhang nito. Kung bakit kasi kailangan pa niyang tumingin sa mukha nito habang kausap niya ito, distracted tuloy siya dahil sa napakagwapo pala talaga ng asawa niya. "Magsama na tayo gaya ng gusto nila. Sa bahay ko doon ka na titira bilang asawa ko Patricia,' dagdag nito at sinulyapan siya. "What?" Tanging nasabi niya. Hindi siya sure kung narinig nito. Sinulyapan siya nito at tila sinusuri. Tinignan siya ng asawa mula ulo hanggang paa. Obvious ang pagsuri nito sa kanya. Hindi naman niya malaman kung paano kikilos sa harapan ng gwapong asawa. "Parang hiyang mo sa New York huh," komento nito nang huminto ang mga mata nito sa kanyang mukha. Napakurap-kurap siya at nagyuko ng ulo. "Anyway, maganda ka naman noon pa. It just maybe dahil mas nag mature ka na kaya mas lalo ka pang gumanda ngayon, Patricia," saad nito sa kanya. "Ah.. Salamat," pasalamat niya nang tignan ito sa mga mata. Kabado siya pero na manage niyang tumingin sa mga mata ng asawa para naman hindi siya magmukhang mahina. Hindi niya alam kung para saan ang compliment nito sa kanya, well, hindi nga pala siya sure kung compliment iyon o ano. Pero nagustuhan niya ang mga sinabi nito. "Let's go samahan na kitang kunin ang mga gamit mo," Miko said. "Teka sandali," pigil niya rito. "Why?" Tanong nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Kung ano ang tama. Kailangan ba niyang sumunod sa asawa ng ganun na lang. Basta na lang ba siya sasama rito dahil sinabi nito? Paano na langa ng pambabalewala nito sa kanya ng dalawang taon? Isama pang ang pag iwan nito sa kanya sa Villa sa gabi ng kanilang honeymoon. Wala siyang kamalay-malay na iniwan na pala siya ng asawa sa Villa noong gabing iyon. Iyon na rin ang huling pagkikita nila ng asawa. "Why, Patricia? May problema ba?" Tanong nito sa kanya. "Ikaw na rin ang may sabi na wala pa ring pwedeng makaalam na mag asawa tayo, Miko. Kung titira ako sa bahay mo, may makakaalam panigurado," she said. "Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ko sa bahay," saad nito sa kanya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin," she said. "Ano?" Kunot noong tanong nito. "Ikaw na rin ang nagsabi na dapat walang magbago sa set up natin. So, hindi ako kailangan tumira sa bahay mo at magsama tayo," she said. "What do you mean?" Tanong nito na lalong lumalim ang kunot sa noo. "Bigyan mo ko ng apartment or condo dito. Ipagpatuloy natin ang set up natin sa New York. Hindi tayo dapat magsama o mag usap, nariyan naman ang secretary mo para ibigay ang lahat ng kailanga ko. Mananatili akong nakatagong asawa mo Mr. Vice Mayor Miko de la Cerna. Ipagpatuloy mo ang buhay binata mo dito sa bayan ng San Juan. At ganun rin ako," litanya niya sa asawa. Hindi niya alam kung naintindihan ng asawa ang paliwanag niya o ano. Pero parang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya. Ilang segundo rin kasi itong natahimik at nanatiling nakatingin lamang sa kanya. "So, hindi ka susunod sa gusto ng mga magulang mo na magsama na tayo?" Miko asked. "Bakit ikaw? Susunod ka ba?" She asked back. "To be honest, I want to give this marriage a try," tugon nito sa kanya. Napalunok siya. Hindi niya inaasahan ang tugon ng asawa na iyon sa kanya. Kung siya ang tatanungin noon pa man ay gusto na niyang bigyan ng chance ang kasal nila ni Miko. Pero ito mismo ang tila pumatay sa pag asa niyang may pag-asa ang pagsasama nila. Tapos ngayon sasabihin nitong nais nitong subukan ang pagsasama nila in what way? Mananatili siyang nakatagong asawa pa rin nito. Paano naman siya? Paano ang damdamin niya? Nag kalayaan niya? Habang ito malayang ginagawa ang lahat ng gusto nito, siya naman ay makukulong sa loob ng bahay nito. Parang mali. "Dalawang taon na ang lumipas, Miko sa tingin ko wala ng pag asa pa," saad niya sa asawa at ngumiti rito ng mapait. "So, ayaw mong subukan? Ayaw mong magsama na tayo bilang mag asawa?" Miko asked. "Yes, Miko. Ok na ko sa set up natin. Ipagpatuloy na lang natin kung ano ang nakasanayan na natin sa loob ng dalawang taon. Bigyan mo ko ng apartment or condo. Allowance to buy everything I need and I want. Car. And school," tugon niya sa asawa. "I see," Taas mukhang saad nito habang nakatingin ito sa kanya. "Mukhang na enjoy mo ng husto ang mga benefits na nakuha mo sa pagpapakasal sa akin," Miko said. "You really spoiled me, and I love every bit of it," taas mukhang saad niya sa asawa. "It's been two years, and I've noticed you've changed a lot, Patricia," Miko said. Hindi siya nagbago. Walang nagbago sa kanya. Siya pa rin si Patricia na nagpakasal sa isang katulad ni Miko de la Cerna. Umasa siyang magiging maayos din ang pagsasama nila ng asawa sa loob ng dalawang taon. Pero hindi nangyari iyon, binalewala siya ng asawa. Ni isang hi o hello wala man lang. Ni hindi siya nito kinumusta ni minsan, kung sakaling namatay siya sa New York mag isa, baka naagnas na siya bago pa malaman ng asawa iyon. Ganyan ka walang kwenta ang asawa niya. Ganyan siya nito kung balewalain, wala ito ni katiting na pakialam sa kanya as in wala. Tapos sangayon ito sa gusto ng mga magulang nila magsama na sila na para bang walang nangyari sa loob ng dalawang taon. Hindi na siya batang sunud-sunuran katulad noon. Twenty years old na siya at kaya na niyang mag desisyon para sa sarili niya at iyon ang desisyon niya, ang hindi sumama sa asawa sa bahay nito. Walang makakapilit sa kanya ngayon, kahit ang mga magulang pa niya hindi siya mapipilit. Sapat na ang sumunod siya na umuwi ng San Juan at harapin muli ang asawa niya. "You can still receive those luxuries kahit sa bahay ko ikaw nakatira, Patricia. Walang magbabago sa lahat lalo na pagdating sa pera at materyal na bagay. Iyon lang naman ang magagawa ko para sa asawa ko," Miko said. "Well, Miko. Sunduin mo na lang ako pag nakahanda na ang apartment o condo na lilipatan ko,' she said with a smile na nagpakunot sa noo ng asawa. "Patricia," tawag nito sa kanya. "Hindi ako sasama sa iyo, Miko. Hindi ako titira sa bahay mo," saad niya rito habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito. Humugot ito ng malalim na paghinga saka mariing pinikit ang mga mata. Senyales na ba iyon na natalo niya ito ngayon? "Goodnight, Miko. Salamat sa pagpunta mo dito ara sa dinner," pasalamat pa niya sa asawa at tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay at iwan na ang asawa. Hindi naman na siya pinigilan pa ni Miko. Bagay na pinagpasalamat niya. Sa ngayon tapos na ng kanilang pag-uusap. Hihintayin na lang niya ang pagsundo nito sa kanya. Iyon ay kung mangyayari iyon. May plano naman na siya kung sakaling hindi na ibigay ng asawa sa kanya ang dating luhong binibigay nito. Nakaipon naman siya kahit papano, sapat para manirahan mag isa at makapagpatuloy sa kanyang pag-aaral. Pwede siyang sumabak sa modeling, katulad ng ginagawa niya sa New York. Kay experience na siya kaya madali na sa kanya ang bagay na iyon. Kaya niyang mabuhay ng wala ang asawa. Hindi siya katulad ng ibang babae na nakadepende lang sa lalake. She is strong and mature enough to handle everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD