"I love you, Liyah,' he said again. Habang nakatingin sa mga mata nito na tila natulala sa kanyang sinabi rito. Kung nagulat niya si Liyah sa pag amin niya ng kanyang damdamin rito, mas nagulat siya sa kanyang sarili. Hindi niya nagawang kontrolin ang sarili na aminin sa dalaga ang tunay niyang damdamin na para bang may sariling isip ang bibig niya at sinabi niyang mahal niya si Liyah. Maybe iyon ang totoong damdamin niya at hindi niya magawang i deny iyon sa sarili niya kahit ano pa ang gawin niya. "Why?" Tanong nito sa kanya na saktong umabot lang sa kanyang pandinig. "Why?" Ulit niya sa sinabi ni Liyah. Banayad itong tumango sa kanya. "What do you mean why?' He asked. "Mikel, kase...," hindi nito nagawang ituloy ang sasabihin at umatras ito palayo sa kanya. "Liyah, I love you. M

