Kahit tulala siya nagawa pa rin niyang makapagluto ng dinner nila ni Mikel, wal naman kasing ibang maghahanda para sa kanila, hindi naman pwedeng hindi siya maghanda ng dinner dahil umamin si Mikel sa kanya ng damdamin. Obligasyon pa rin niyang asikasuhin si Mikel ano man ang mangyari, iyan ang pinangako niya rito para pakasalan siya at hayaang manatili sa mga kapatid niya ang bahay. Nailuto na niya ang steak na at nakapaghanda na rin sa mesa, hinihintay na lang niya ang mashed potato na nakasalang pa. Hindi niya alam kung nasaan si Mikel wala kasi siyang naririnig na kumikilos sa may sala, baka pumasok muna ito sa silid o di kaya lumabas ng bahay. Madilim na pero kalat naman ang liwanag sa loob at labas ng buong bahay. "Totoo kayang mahal niya ko o pinagtitripan lang niya ko?" Bulong n

