Chapter-18

1313 Words
Naghanda na siya para sana umuwi nang makatanggap naman siya ng tawag sa kaibigan si Julius, nagyayaya ito sa bahay nito para uminom. Darating daw kasi ang iba pa nilang mga kaibigan. Malapit niyang kaibigan si Julius kaya hindi na siya tumanggi pa. Sasaglit lang naman siya sa bahay nito para lang masabi na umattend siya. Isa pa parang nais din naman niyang uminom at makipag usap sa iba, dahil na rin sa nangyayari sa kanila ni Patricia ngayon. Uuwi na lang siya agad para magka usap sila ng asawa at maayos ang gusot nila. Maliit na gusot lang kasi lumalaki dahil kapwa sila hindi nagpapalamang sa isat-isa ng asawa. Hindi niya inaasahan ang kanyang naging aksyon kanina nang makita si Patricia na may kasamang ibang lalake. Hindi niya alam kung bakit galit na galit siya nang makitang nakangiti ang asawa niya habang nakikipag kwentuhan sa ibang lalake. Ni minsan kasi hindi pa niya nakitang ngumiti ng ganon sa kanya ang asawa. Pag sila ang magkasama lagi itong galit, nakasimangot at malungkot. Parang natamaan tuloy ang ego niya nang makitang masaya ang asawa pag iba ang kasama nito. "Bukas siguro niyan hindi ka na ma le-late," saad sa kanya ni Mark nang magsabay sila sa pagbaba ng hagdan palabas ng munisipyo. "Hindi na,' nakangiting tugon niya sa pinsan. "Asahan ko iyan. Sayang din kasi ang award mo pag na late ka pa,' biro sa kanya ng pinsan. Tumawa lang siya rito at naghiwalay na sila dahil magkaiba ang kanilang sasakyan. Isang family oriented ang pinsan niyang si Mark, at siya sa totoo lang wala siyang balak magka pamilya. Pero dahil may asawa na siya, hindi pa rin siya sigurado kung gusto na ba niyang magkapamilya. Iba kasi ang obligasyon ng may pamilya, lalo na ang may anak. Nais man niyang tawagan ang asawa para sabihin na ma le-late siya ng uwi hindi naman niya magawa. Wala pala siyang number nito. Nahihiya naman siya sa Daddy ni Patricia kung itatanong niya rito. Sa secretary naman niya, baka magtaka at makahalata na kung sino talaga si Patricia sa buhay niya. Hanggang ngayon kase wala pa ring nakakaalam kung sino ba talaga si Patricia sa buhay niya. At hindi pa rin siya handang ipaalam sa lahat ang tungkol sa kanyang asawa. Pinagpapasalamat na rin niyang hanggang ngayon nirerespeto pa rin ng mga magulang niya at biyenan ang kailangan niyang huwag munang ipaalam sa iba ang tungkol sa kanila ni Patricia. Kung sakaling maging handa naman na siyang iharap si Patricia sa mga tao, siya mismo ang gagawa. Nasa iisang subdivision lang naman sila ng kaibigan niyang si Julius, kaya makakauwi siya agad ano mang oras. Dalawang kanto lang naman ang layo. Pagdating niya marami ng sasakyan sa labas ng bakuran ng kaibigan, mukhang naroon na ang iba pa nilang mga kaibigan. High-school pa lang kaibigan na niya si Julius kaya hindi rin niya iro makatanggian basta. Isama pang mga High-school barkada din naman nila ang mga makakasama nila sa inuman. Naglalakad pa lang siya sa may bakuran palapit sa pintuan ng bahay. Naririnig na niya ang ingay sa loob ng bahay ng mga kaibigan nila. Ganitong kasiyahan din minsan ang namimiss niya, lalo na't busy siya sa trabaho, isama pang stress din siya ngayon sa pagbabalik ng asawa niya. Wala siyang mapagsabihan sa mga pinagdadaanan niya ngayon kay Patricia. Wala siyang mahingan ng tulong o advice sa kanyang problema ngayon, dahil once na magsalita siya about Patricia, kailangan niyang aminin na asawa niya si Patricia at dalawang taon na silang kasal nito. Bagay na hindi pa talaga niya handang gawin hanggang ngayon. "Vice Mayor!" Salubong sa kanya ng mga kaibigan niya nang pumasok siya sa loob ng bahay. Nag si tayuhan pa ang mga kaibigan niya para salubungin siya. Matagal na rin kasi nang huling mabuo silang magkakaibigan. Salamat na rin kay Julius at nabuo sila muli dahil rito. Lahat silang apat na magkakabarkadang naroon ay wala pang mga asawa. Katulad niyang papalit-palit lang ng babae ang mga ito. Sinusulit pa ang kabataan syempre. Hindi pa naman matanda ang edad na bente siyete. Makakarami pang babae bago magpatali. Although siya nakatali na. "Ano bang meron at parang may okasyon?" Usisa niya nang maupo na at abutan na siya ng maiinom ng mga kaibigan. "Oo nga Julius para saan ba ito at bakit biglaan ang pagyaya mo sa amin?" Tanong ni Gerald kaklase at barkada rin nila na isa ng negosyante ngayon. "Mamaya malalaman niyo rin. Uminom muna tayo at mag enjoy," tugon ni Julius sa kanila at naglabas pa ng mamahaling alak para inumin nila. Hindi siya pwedeng uminom ng marami dahil baka maamoy siya ni Patricia pag uwi niya mamaya. Sa master bedroom na tutuloy ang asawa at magsasama na sila sa iisang silid at iisang kama. Hindi tuloy niya maisip kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila ng asawa pag nagsama na sila sa iisang silid. Hindi pa naman din siya immune sa asawa. Ramdam na ramdam niya ang malakas na s*x appeal nito. Malayong-malayo na sa dati na hindi niya masyadong ramdam ang s*x appeal na meron si Patricia. Marahil ay dahil bata pa masyado ito noong mga panahong iyon, isama pang dalawang beses lang naman silang nagkita at nagkasama ng asawa. Ngayon kase at mukhang magtatagal na ang kanilang pagsasama dahil both parents na naman nila ang nakikialam sa pagsasama nila. Sa kalagitnaan ng masayang kwentuhan at inuman nilang magkakaibigan may ina-nounced si Julius na siyang tunay na dahilan nang pag anyaya nitong uminom sila sa bahay nito. Magpapakasal na pala ito sa long time girlfriend nito na halos hindi man nila nakasama dahil hindi naman nito sinasama ang girlfriend nito sa tuwing nagsasama-sama sila. Naroon rin ang girlfriend ni Julius na soon to be wife na nito. Pinakilala sa kanilang lahat. Proud na proud si Julius sa magiging asawa nito, halata niya sa pananalita at kilos ng kaibigan. Halata ring masaya at excited ito kahit matagal na nitong kasama ang girlfriend nito. Naroon pa rin ang sparks sa mukha ng kaibigan at ng fiancée nito. Natutuwa siyang makita ang kaibigan na ganun kasaya at ka proud sa fiancée nito. Sana siya rin magkaroon siya ng lakas ng loob para maiharap si Patricia sa mga kaibigan niya. Ang layo kasi niya kay Julius. Marahil dahil nagmamahalan ang mga ito, at ang sa kanila ni Patricia at kasunduan lang. "Vice napaparami yata ang inom mo," saad ni Gerald sa kanya matapos ipakilala ni Julius ang fiancée nito at i announced ang nalalapit na kasal ng mga ito. "Huh?" Nagulat pa siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi pala niya namamalayan na nakakarami na siya ng inom ng alak dahil sa kaiisip kay Patricia. Masyado nang nabubulabog ni Patricia ang isipan niya. Wala na siyang inisip sa buong araw kung di ang asawa. Huminto na siya sa pag inom, dahil mag isa lang siya at walang kasamang driver. Kahit malapit lang ang bahay niya, hindi pa rin siya dapat magpakalasing ng husto. Hindi na rin siya nagtagal nagpaalam na siya sa mga kaibigan. Siya ang huling dumating, pero siya ang unang umuwi. Well, may asawa kasing naghihintay sa kanya. Kahit gaano kagalit sa kanya si Patricia tiyak naman niyang hihintayin siya nitong makauwi. Maingat siyang nagmaneho pauwi. Medyo binilisan pa nga niya ang pagmamaneho dahil baka naghihintay na sa kanya ang asawa. Hindi kasi siya nakapag paalam rito kanina. Wala rin alam ang mga kasambahay na male-late siya ng uwi. Isa pa nais na niyang masilayan ang magandang mukha ng asawa. Pagdating sa bahay inamoy-amoy pa niya ang sarili bago umakyat ng hagdan. Baka kase maamoy siya ng asawa at makadagdag pa sa galit nito. Kumatok muna siya sa silid bago iyon binuksan at sumilip sa loob. Kumunot ang noo niya nang makitang madilim sa loob ng silid. Nang buksan niya ang ilaw wala siyang nakitang tao roon. Wala sa kama niya si Patricia. "Patricia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD