Hindi niya alam kung anong oras ang uwi ng asawa niya dahil ngayon pa lang naman sila nito magsasama sa iisang bubong. Kahit naman na mag asawa na sila wala silang alam tungkol sa mga bagay-bagay about sa kanila.
Madilim na ang buong paligid pero wala pa rin ang asawa. Alas siyete na at tinatawag na nga siyang mag dinner pero tumatanggi siya. Wala siyang balak maghapunan. Hunger strike siya para makonsensya ang asawa niya sa kanya. Sa mga ginagawa nito sa kanya.
Inilipat rin niya ang mga gamit sa kabilang silid, may guest room naman kasi sa bahay ni Miko kaya hindi niya kailangan makisama ng silid sa asawa. Bahala na itong magalit pag nalaman nitong wala siya sa master bedroom. Hindi sa lahat ng pagkakataon ito masusunod. Tama na ang andito siya sa bahay nito at hindi lumalabas, pero sobra naman na kung magsasama pa sila nito sa iisang silid at magsisiping sa iisang kama. Masyadong ng OA iyon para sa kanya, lalo na't wala naman itong pakialam sa kanya mula ng pakasalan siya nito.
Habang naghahanda na siyang magpahinga sa guest room nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigang si Andrie. Agad niyang sinagot iyon. Hindi pa nga pala niya nakakausap ang kaibigan mula nang umeksena si Miko sa restaurant nito kanina.
"Andrie, pasensya ka na hindi kita tawagan agad," bungad niya sa kaibigan sa kabilang linya.
"Ayos lang iyon, Patricia. Itatanong ko lang naman kung kumusta ka, kung ok ka lang ba?" Tugon sa kanya ng kaibigan.
Humugot siya ng malalim na paghinga at nagkibit balikat saka naupo sa malaking kama. Hindi niya pwedeng sabihin sa kaibigan kung ano ang totoong ugnayan nila ni Miko. Iyun ang unang-una sa rules ng asawa niya, ang walang ibang makakaalam na mag asawa sila.
"Bakit ginawa sa iyo ni Vice Mayor iyon kanina? Magkakilala ba kayo?" Tanong nito sa kanya.
"Andrie, I know na close friends tayo at isa ka sa maaasahan kong kaibigan. Pero kase," saad niya sa kaibigan na sadya niyang binitin.
"Pero ano?' Andrie asked her.
"Ano kase... May mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin. And isa na ang tungkol kay Vice Mayor," tugon niya rito.
"What? Wait," Andrie said at namayani ang katahimikan sa kabilang linya.
"Don't tell me na nagde-date kayo secretly," Andrie said.
"No, hindi ganon," agad niyang tugon sa kaibigan. Hindi naman kasi talaga ganon. Hindi sila nagde-date, mag asawa sila. Iyon ang title nila mag asawa lang.
"Well, ano? Bakit ganon na lang ang kilos ni Vice Mayor nang makita niyang magkasama tayo? Para siyang nagseselos eh. Para ngang papatayin pa ko kanina sa galit," saad sa kanya ng kaibigan sa kanya.
Nakita naman niya lahat ng sinasabi ni Andrie, pero ayaw niyang mag assume na nagseselos si Miko, dahil alam niyang hindi ito magseselos kahit sinong lalake pa ang samahan niya. Para lang siyang hangin sa asawa. Baka nasagi lang ang ego nito kaya ito nagalit nang ganon kanina. Hindi na nga rin nito napansin may ibang tao sa paligid na tiyak na nakakilala rito. Pero sana huwag na lang bigyan ng issue pa.
"Hindi ganon iyon," tanging nasagot niya sa kaibigan.
"I see.. Mukhang hindi ka magsasabi ngayon. Anyway maghihintay na lang ako pag ready ka ng umamin sa akin sa kung ano ba talaga ang namamgitan sa inyo ni Vice Mayor," Andrie said.
"Wala naman kasi talaga," she said saka na siya nagpaalam sa kaibigan para maiwasan na ang pag uusisa nito sa kanila ni Miko. Wala pa kasi siyang idea kung saan nga ba patungo ang laro nilang ito.
Nahiga siya sa kama at tulalang tinitigan ang puting kisame. Paulit-ulit na eksena sa restaurant ni Andrie ang nakikita niya. Nakita rin niya ang galit na mukha ni Miko na siyang nakita rin ni Andrie. Iisa nga ang naisip nila ni Andrie na baka nagseselos si Miko, pero dahil kilala niya ang asawa, alam niyang hindi ito nagseselos. Pagkalalake lang nito ang natamaan kaya ito galit na galit kanina.
"Ano ba kasi ang laro mong ito Miko?" Bulong niyang tanong.
Nalulungkot siya na habang buhay na siyang nakatali sa ganitong sitwasyon. Habang buhay siyang itatago ng kanyang asawa, habang nagsasaya ito sa piling ng ibat-ibang babae.
Habang malalim ang iniisip nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa rin kasi siya kumakain mula pa kanina, nais niyang panindigan ang hunger strike niya sa asawa. Iyon lang baka himatayin naman siya sa gutom. Sinilip niya ang oras sa cellphone niya at nakita niyang alas nueve na ng gabi, kaya pala galit na galit na ang mga alaga niya sa tiyan.
Bumangon na siya mula sa kama. Hindi na niya kayang tiisin pa ang gutom. Bahala na kung maabutan siya ng asawa sa baba.
Kinuha niya ang roba ng suot niyang pantulog. Lingerie ang suot niya hindi naman kasi niya alam na sa bahay ni Miko siya tutuloy. Buong akala niya sa bahay nila, kaya puro mga seksing lingerie ang dala niya. Hindi naman siya pwedeng hindi magbihis. Hindi na siya sanay na matulog na hindi pantulog ang suot, lalo na kung hindi lingerie. Nahihirapan siyang matulog pag hindi magandang tela ng lingerie ang suot niya.
Matapos itali ng maigi ang roba lumabas na siya ng guest room para bumaba at kumain. Sa mga oras na ito marahil nagpapahinga na ang mga kasambahay sa maids room ng mga ito at hindi na siya mapapansin pa ng mga ito.
Maingat siyang lumabas ng guest room at sinulyapan pa ang silid ni Miko, inaalam kung dumating na ba ang asawa niya. Hindi naman niya makita kung may ilaw na bukas sa loob o ano, kaya naman tumuloy na siya sa may hagdan.
Nasa may hagdan na siya nang marinig ang tawag ng asawa sa kanya. Napatigil siya sa pagbaba at lumingon kay Miko na nasa may pintuan ng silid nito. Palabas pa lamang ito ng pinto at nakatingin ito sa kanya.
"Where are you going, Patricia?" Kunot noong tanong nito sa kanya saka humakbang palapit sa may hagdan.
Pansin niyang suot pa rin nito ang suot nito kanina. Mukhang kararating lang nito. Kung bakit ito ginabi wala siyang idea, at wala siyang karapatang alamin iyon. Asawa lang siya sa papel ay hanggang doon lang iyon. Basta ang sigurado niya ay kahit maghapon na itong nas trabaho eh gwapo at fresh na fresh pa rin ito sa pag uwi ng bahay.
"Sa baba, iinom,' pagsisinungaling niya rito. Mukhang kailangan niyang tiisin ang gutom niya ngayon.
Hindi nakaligtas ang pag kunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. Napansin rin niya ang pagbaba ng mga mata nito sa suot niya. Pasimple niyang hinawakan ang tali ng kanyang roba. Nakatali pa naman iyon kaya, walang nakikitang hindi dapat makita ang asawa.
"Iinom muna ako,' saad niya sabay talikod at nagtuloy sa pagbaba. Iba na kasi ang tingin sa kanya ng asawa.
"Samahan na kita," saad nito.
Nais sana niyang sabihin na huwag na lang para kahit papano makakakain rin siya, kaya lang nakasunod na ito sa likuran niya.
Abnormal na naman ang t***k ng kanyang puso. Basta nariyan ang asawa kung anu-anong kakaiba ang kanyang nararamdaman. Sa paglapit pa sa kanya ng asawa naamoy niyang tila amoy alcohol ito. Mukhang uminom pa ito bago umuwi. At saan naman kaya ito uminom at sinong kasama nito?
Ang daming tanong na nais niyang itanong sa asawa, kaya lang wala siyang karapatang magtanong rito. Alam niyang ilugar ang sarili niya dapat.
"Nabanggit ni Manang na hindi ka raw naghapunan. Maghapon ka raw na hindi kumain," saad ng asawa sa kanya habang papasok sila nito sa may kusina.
Of course alam iyon ng asawa, lahat ng ikikilos niya sa loob ng bahay nito makakarating rito. Maraming mga mata at tenga ang asawa sa loob ng mansyon nito.
"Hindi ako nagugutom," tugon niya sa asawa. Nagulat pa siya nang bigla na lang hilahin ng asawa ang kanyang braso para iharap siya rito. Napatili pa tuloy siya sa pagkabigla.
"Ano ba Miko!' Asik niya sa asawa sabay hampas sa balikat niya.
"Don't tell me nag a hunger strike ka dahil hindi kita pinapalabas ng bahay ko?" Tanong ng asawa sa kanya.
Gwapo nga wala namang pakiramdam. Nais niyang sabihin iyon sa asawa na sobrang gwapo sa kanyang paningin.
"Bakit may pakialam ka ba kung mag hunger strike ako!" Inis niyang saad sabay bawi sa braso niyang hawak nito. Buti na lang at nabawi niya rito, kaya agad na siyang lumayo rito para maiwasan ito. Nag-iiba kasi ang pakiramdam niya sa tuwing malapit siya sa asawa.
"Hindi ko type sa babae ang payat. Mas gusto ko ang may laman ng kaunti," saad nito sa kanya.
"Hindi mo naman ako magiging type kahit ako pa ang katawan ko," saad niya sabay talikod para kumuha na ng tubig.
"Hindi ka sure diyan, Patricia," Miko said. Ramdam niya ang mga mata nitong nakasunod sa kanya. Hindi tuloy siya makakilos ng maayos naiilang siya rito.
Bago pa niya narating ang ref nauna na si Miko sa kanya. Ito na ang nagbukas sa ref at kumuha ng tubig, saka naglabas rin ng pagkaing naroon.
"Kumain ka, Patricia, sabayan mo ko," Miko said at isa-isa nitong inilabas ang mga pagkain na marahil inihanda ng mga kasambahay kanina para dinner nila.
Napalunok siya at hindi makakibo habang nakatingin sa pagkain. Gutom na gutom na kasi siya at mukhang hindi na niya kayang tiisin pa.
"Tulungan mo kong maghanda ng pagkain. Nagpapahinga na kasi ang mga kasambahay, nakakahiya naman kung gigisingin pa natin sila," saad nito sa kanya.
"Hindi ako nagugutom Miko! Ikaw na lang ang kumain mag isa!" Inis inisan niyang saad sa asawa. Para ipakita rito na inis siya talaga rito at hindi siya nito makukuha sa pakunwaring mabait ito sa kanya. Kilala niya itong walang puso at sobrang cold ng pagkatao, kaya hindi na uubra sa kanya ang pagpapa cute nito.
"Iinom lang ako ng tubig," she said at kumuha ng sarili niyang tubig para uminom. Pagkatapos niyang uminom lalabas na sana siya ng kusina nang harangin siya ng asawa.
"Ano ba!" Asik niya rito.
"Samahan mo kong kumain," saad nito sa kanya habang palapit ito ng palapit sa kanya. Umaatras naman siya rito para iwasan ito.
"Ayoko nga!" Inis niyang tugon rito.
"Kung nagugutom ka Miko, kumain ka mag isa mo! O di kaya tawagin mo ang babaing kasama mo sa airport kahapon!" Inis niyang saad sa asawa.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang ma realized na nadulas siya. Nasabi niya sa asawa ang hindi dapat. Mabilis niyang tinakpan ang sariling bibig. Pero huli na ang lahat. Narinig na ng asawa ang mga sinabi niya.
"Anong sinabi mo?' Tanong nito sa kanya habang nakatingin ito ng sa mga mata niya.
"Nothing!" Tugon niya at akmang iiwas sa asawa pero hindi siya nito hinayaang makaiwas rito. Hinarangan siya nito.
"Miko ano ba! Gusto ko nang magpahinga!" Saad niya at sinubukang itulak ito sa dibdib. Para naman siyang napaso nang madikit ang kamay niya sa dibdib nito. Kaya naman hindi na niya ito tinulak pang muli.
"Sinong babaeng kasama ko sa airport kahapon?' Tanong nito sa kanya.
"I don't know, Miko and I don't care!' Hiyaw niya rito.
"Nakita mo ko sa airport kahapon?" Miko asked her.
"Pwede ba Miko, tumabi ka na at gusto ko nang magpahinga!" Inis niyang saad rito. Hindi pinansin ang tanong nito. Kung bakit kasi nadulas pa siya. Hindi na niya nais pang sabihin ang tungkol don sa asawa.
"Nagseselos ka ba sa babaing kasama ko, Patricia?" Tanong ng asawa sa kanya.
"In your dreams, Miko!' Asik niya rito.
"Really eh?' Miko said sabay hawak sa baba niya. Tinabig niya ang kamay nito saka siya umatras para iwasan ito. Iyon nga lang nasukol na siya nang dumikit ang kanyang likuran sa lababo.
"Checkmate," Miko whispered sabay lagay sa mga kamay nito sa magkabilang gilid niya para masukol siya lalo at hindi na makaiwas pa rito.
"What are you doing?" She asked. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, hindi niya gusto na ganito kalapit sa kanya ang asawa. Masyado siyang na i- intimidate rito at nakakaramdam ng kakaiba.