Chapter-20

1404 Words
"Miko ano ba!" Patricia said at sinubukan siya nitong itulak palayo sa kanya. Pero kulang ang lakas nito sa lakas niya, kaya ni hindi man siya natinag sa pagtulak nito sa kanya. Matangkad naman ang asawa niya pero mas matangkad siya. Gusto niya ang ganitong posisyon nila ng asawa. Dahil matangkad siya rito at mas malaking tao sa petite nitong katawan ay para na itong nakapailalim sa kanyang malapad na katawan. Aside from that gusto din niya ang ganito sila kalapit ng asawa sa isat-isa. Naamoy niya ang natural nitong scent. Amoy na mukhang hahanap-hanapin niya, and also ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang mukha. "Get off Miko!" Galit pa rin nitong saad sa kanya habang tila siya nakatulala rito, dahil kahit wala itong make up sa mukha napakaganda pa rin nito. Hindi ganun kaliwanag ang ilaw sa kusina dahil hindi nabuksan ang lahat ng ilaw, pero kitang-kita niya ang ganda ng mukha ng kanyang asawa. Gandang hindi niya nabigyan ng alaga noon. Yes napansin na niya noon na maganda si Patricia, pero dahil galit siya sa mga magulang niya ay pati ang dalaga nadamay na. Imbes na ma appreciate niya ang ganda nito ay nabalewala niya. Sa gandang nasa harapan niya ngayon, parang nais niyang pagsisihan ang dalawang taong sinayang niya. Nalipat naman ang mga mata niya pababa sa mukha ng asawa. Nakasuot ito ng lingerie at bahagya sumisilip ang cleavage nito dahil naiipit niya ang suot nitong roba. Napalunok siya. Cleavage pa lang ang nasilip niya sa asawa nag iba na bigla ang kanyang pakiramdam. Lalong uminit sa paligid. What more kung makita na niya ang kabuuan ng asawa. Baka mas lalo siyang magsisisi dahil siya mismo ang nagsabi sa asawa na wala silang honeymoon noon. "Bitiwan mo na ko!" Hiyaw pa rin ng asawa niya na patuloy na nagsusubok na makawala sa kanya. As if na pakakawalan pa niya ito, lalo na't nag e-enjoy siya sa pagkakadikit ng ganito sa asawa. "No," he said at binalik sa mga mata ng asawa ang kanyang mga mata. "Ano ba ang ginagawa mo kase," Patricia said. "Noon pa man alam ko ng maganda ka Patricia. But, to be honest, sweetheart. Mas maganda ka ngayon," he whispered at linapit ang mukha niya sa mukha ng asawa. Nakaiwas pa ito sa kanya, pero mas lalo pa siyang lumapit at sinulyapan ang labi ng asawa na mamula-mula. Nakabuka iyon ng bahagya na tila naghihintay sa kanyang halik. Hindi pa niya nahalikan sa labi ang asawa, dahil noong araw ng kanilang kasal mas pinili niyang sa pisngi ito halikan. Dahil iyon sa galit siya. Dagdag rin iyon sa bagay na pinagsisisihan niya ngayon. "Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang hugis ng labi mo," saad pa niya sa asawa. "Tumigil ka na Miko! Huwag mo kong pag tripan!" Asik nito sa kanya. Sukol na niya ito kaya hindi na siya nito maitulak-tulak. Hindi na nga rin ito halos makagalaw para iwasan pa siya. "Hindi kita pinagti-tripan, sweetheart," he said. "Don't call me, sweetheart!" Sigaw nito sa kanya. "Why not? You are my wife, Patricia. I can call you anything I want," he answered at tinawid na ang pagitan ng kanilang mga labi para mahalikan na ito sa labi. Nakita pa niyang napapikit ng mga mata ang asawa, bagay na kinatuwa niya. Ibig sabihin nais din nitong mahalikan niya ito. Halos maabot na sana niya ang labi ng asawa at magaganap na sana ang unang halik niya rito nang bigla na lang kumalat ang liwanag sa loob ng kusina na kinagulat niya at ni Patricia. Nagbukas ng mga mata si Patricia at nagtama pa ang kanilang mga mata saglit, saka siya lumingon kung sino ang nagbukas ng ilaw. Nakita niyang tila natulala pa si Manang Nena habang nakatingin sa kanila ni Patricia. "Ay.. Sir... Ma'am.. Pasensya na po," paumanhin ng kasambahay sa kanila. "Akala ko po kasi may ibang tao...," tarantang saad pa nito at nagmamadali na ring umalis agad. Hindi kasi niya inalis ang mga mata rito. Buti naman at na gets nito ang kanyang tingin rito. "Damn," mura niya nang maiwan na sila ni Patricia sa kusina. Nakakuha naman ng pagkakataon si Patricia para maitulak siya at makaalis sa kinaroroonan nito. "Thanks to Manang dahil iniligtas niya ko," Patricia said habang inaayos nito ang suot na lingerie at mas lalo pa nitong hinigpitan ang suot nitong roba. Nakasunod naman siya ng tingin sa bawat galaw nito. Laking pagsisisi talaga niya at hindi niya inangkin ang asawa noon. "Bukas na bukas mawawalan na ng trabaho si Manang Nena rito," seryoso niyang saad habang nakatingin sa asawa. "Hindi mo pwedeng gawin iyon," Patricia said. "Why not?" He asked at humakbang palapit rito. Naging alerto naman ang asawa na mabilis na nakalayo sa kanya. "Goodnight, Miko," saad nito sa kanya. Bago pa siya makapagsalita mabilis na itong nakatakbo palabas ng kusina. Nagbuga siya ng hangin at mariing pinikit ang kanyang mga mata. Nanghihinayang siya sa halik na hindi natuloy. "Damn," mura pa niya at lumakad na para sundan ang asawa. Hindi niya nadatnan ang asawa sa dapat ay silid nila. Wala rin doon ang mga gamit nito, at mukhang sa ibang silid ito tumuloy. Ito ang unang gabi nilang mag asawa na magkasama. Dapat ngayon pa lang itama na niya ang sa tingin ay mali. Dapat ngayon pa lang ipaalam na niya sa asawa ang lugar nito at obligasyon nito sa kanya. Malalaki ang mga hakbang niya habang paakyat ng hagdan. Pagdating sa itaas sinilip niya ang asawa master bedroom. Wala ito roon. Agad na siyang lumabas ay sinunod na sinilip ang asawa sa guest room. Napakunot ang noo niya nang naka lock ang pintuan. Hindi niya iyon mabuksan. "Patricia," tawag niya sa asawa sabay katok. Hindi niya ito-tolerat ang kaartehan nito. Magsasama sila sa iisang silid. Gagawin nila kung ano ang ginagawa ng tunay na mag asawa. Mag asawa sila at nasa kanya ang lahat ng karapatan rito. At lalong hindi siya papayag na hindi niya mahalikan ang labi ng asawa ngayong gabi. Masyado siyang natakam kanina sa muntikan na nilang paghahalikan. "Open the door!" Inis niyang saad dahil kanina pa siya kumakatok hindi siya nito pinagbubuksan. Halos kalabugin na nga niya ang pintuan. Hindi siya sigurado sa totoong ugali ng kanyang asawa. Pero sa dalawang beses na pagkikita at pag-uusap nila noon ni Patricia nakita niyang madali itong kausap, madali itong mapasunod. Hindi matigas ang ulo at walang sariling desisyon. Mahina iyon ang tingin niya sa asawa noon. Pero ngayon parang iba na ito. Mukhang binago yata ng New York ang ugali ng asawa niya. Mukhang maling desisyon din na dalhin sa New York ang asawa. "Open this f*cking door, Patricia!" Galit niyang saad sabay kalabog ng palakas sa pintuan. "Bakit ba?!" Asik na bungad sa kanya ng asawa nang galit na binuksan nito ang pintuan. Galit ang mukha nito, pero para sa kanya napakaganda pa rin nito. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Humakbang siya papasok sa loob ng silid at hinila sa magkabilang braso ang asawa at nilapit ito sa kanya. Bumunggo pa ito sa kanyang dibdib, saka niya inilipat ang kanyang kamay sa batok nito para halikan ang labi nitong pinananabikan niya ng husto. Sinakop niya ang labi ng asawa sa kauna-unahang pagkakataon, naglapat na ang kanilang mga labi. Natikman na niya ang malambot at matamis na labi ng kanyang asawa. Sinubukan naman ni Patricia na manlaban at itulak siya para makaiwas ito sa kanya. Hindi niya ito binigyan niyang pagkakataon, mas lalo pa niyang siniksik ang katawan nito sa kanya para mas mahalikan pa niya ang labi ng asawa. Ngayon sobra ang pagsisisi niya dahil hindi niya hinalikan ang asawa noon. Baka kung sakaling hinalikan niya ito o di kaya inangkin ay hindi na niya ito paalisin pa ng bansa at magsasama na sila bilang mag asawa, kahit wala silang mga damdamin sa isat-isa. Wala siyang balak huminto sa paghalik sa asawa, pero wala din itong hinto sa panlalaban sa kanya. At sa bawat panlalaban nito sa kanya lalong lang siyang nasasabik sa kanyang ginagawa sa asawa. Kapwa habol ang kanilang mga paghinga nang pakawalan na niya ang labi ng asawa. Hindi pa man siya nakakabawi isang malakas na sampal ang pinadapo ng asawa sa kanyang pisngi. Hindi niya napaghandaan ang malakas na sampal na iyon mula sa asawa. Napahawak siya sa kanyang pisngi na nasaktan ng husto sa sampal nito. "How dare you! Napaka bastos mo!" Asik nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD