Chapter-21

1638 Words
"Bastos! Bastos!' Tili niya habang pinaghahampas niy si Miko sa dibdib matapos siya nitong halikan sa labi nang labag sa kanyang kalooban. "Enough!' Hiyaw ni Miko at hinuli ang dalawang kamay niyang hinahampas niya sa matigas nitong dibdib. "Tama na, Patricia. Huwag kang OA, hinalikan lang kita," saad nito habang hawak ang kanyang mga kamay. "Hinalikan mo ko against my will, Miko! At hindi tama iyon!' Hiyaw niya sa asawa. "Anong hindi tama, Patricia? Baka nakakakimutan mo asawa kita, pagmamay-ari kita. You are mine!' Mariing saad nito sa kanya. "Tumigil ka na nga ng kaka mine mo sa akin Miko! Nakakarindi na! Mula nang dumating ako sa bahay mo wala na kong ibang narinig sa iyo kung di iyang mine mo!' Galit niyang litanya sa asawa. Kung noon pa sana nito sinasabi ang salitang mine na iyan, ay baka iba ang sitwasyon nila ng asawa ngayon, baka hindi sila ganito na para bang aso at pusa. Na sa tuwing magkikita at magsasama nag-aaway. "No, Patricia. Dahil iyon ang totoo. Sa ayaw at sa gusto mo pagmamay-ari na kita! Pwede kitang halikan pag gusto ko," mariing saad nito sa kanya. "No! Kahit asawa mo ko pwede pa rin akong tumanggi Miko! May karapatan pa rin akong tanggian ka!" Palaban niyang tugon sa asawa. Kung noon wala siyang kaalam-alam kaya sunud-sunuran lang siya sa mga tao sa paligid niya. Ngayon iba na. May sarili na siyang desisyon. Kaya na niyang mag desisyon para sa sarili niya. Isa sa desisyon niya ang hindi basta-basta sumunod sa asawa niya, lalo na sa mga bagay na pinagkait nito noon sa kanya. Katulad na lamang ng halik. Hindi siya hinalikan ng asawa sa labi noong araw mismo ng kasal nila. Kaya bakit siya basta-basta magpapahalik ngayon rito. Kahit gwapo ito at naaakit siya nito, hindi pa rin siya basta bibigay rito. Itataas niya ang kanyang bandera. Nais niyang sa huli ito ang maghabol sa kanya. "Anong ka artehan naman iyan Patricia?" Kunot noong tanong pa nito sa kanya. "Hindi kaartehan ito, Miko. Ito ang gusto ko at ako ang masusunod pagdating sa bagay na ito!" Taas mukhang saad niya sa asawa sabay bawi sa mga kamay niyang hawak nito. Na off guard ito sa sinabi niya kaya nakakuha siya ng pagkakataon para mabawi ang mga kamay mula rito. "And now get out!' Taas kilay niyang saad kay Miko. "What?" Tanong nito saka iniling ang ulo. Ngumisi pa ito na akala siguro nito ay nagbibiro lang siya. "I said get out, Miko!" Hiyaw niya rito sabay tulak pa rito. Katulad kanina sa kusina hindi man ito natinag. Sa laking tao ba naman nito, kaya wala siyang kalaban-laban rito. "Stop this nonsense, Patricia!" Miko said. "Kung para sa iyo Miko nonsense ito. pwes para sa akin hindi. This is the reality. Hindi ikaw ang masusunod ngayon sa pagsasamang ito. Sa loob ng dalawang taon Miko, ikaw ang nasunod at naging sunud-sunuran ako sa iyo. This time ako naman ang masusunod!" Taas mukhang litanya niya sa asawa. Hindi ito nakakibo sa kanya nakatingin lang ito sa mga mata niya, marahik tinitignan kung seryoso ba siya o ano sa mga sinasabi niya. "Maliwanag na ba Miko?' Tanong niya rito. "No, Patricia. I don't understand," Miko answered. "Simple lang naman Miko. Kung ano ang ginawa mo sa akin two years ago, iyon din ang gagawin ko sa iyo ngayon,' taas kilay niyang saad sa asawa. "Do you remember na hiniling mong walang honeymoon na magaganap sa atin. Nagpapasalamat ako sa bagay na iyon Miko. And now hanggang ngayon wala pa ring pwedeng mamagitan sa atin. Like you always said before hindi ma co- consummate ang kasal natin,' litanya niya sa asawa. Para maalala nito ang mga sinabi nito sa kanya noon. "Yeah, I did say that, but, that was two years ago, Patricia. And I can change my mind anytime," Miko said. "Of course not, Miko! Hindi lang ikaw ang may karapatan na masunod sa pagsasamang ito!" Inis niyang saad rito. Hindi pa rin ito nagbabago. Napakayabang pa rin nito at akala mo kung sino. Masyado ding mataas ang tingin nito sa sarili. "Kahit ano pa ang sabihin mo Patricia. Hindi mo pa rin ma de-deny na nasarapan ka sa halik ko sa iyo kanina," saad nito sa kanya na puno ng pagyayabang ay pagmamalaki. "Ang kapal ng mukha mo!" Hiyaw niya at sinimulan na naman niya ang paghampas sa dibdib nito sa sobrang inis na niya rito. "Ang kapal mo! Sumusobra ka na!" Asik niya rito habang patuloy pa rin ang pag hampas niya sa dibdib nito. Napatili naman siya nang mahuli nito ang kanyang mga kamay at inikot siya nito para itulak pasandal sa likod ng pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa asawa na nakadikit na naman ang katawan sa kanya. Dahil na rin sa panlalaban niya rito, natanggal sa pagkakatali ang roba niya at bumukas iyon. Tumambad sa asawa ang suot niyang itim na lingerie na halos wala naman ng tinatakpan sa kanyang katawan. Nais man niyang takpan ang na exposed na katawan hindi niya magawa dahil hawak ng asawa ang kanyang mga kamay. Pinili na rin niyang itigil ang panlalaban dahil baka mamaya mahubaran na siya at matuwa pa ang asawa niya sa view na makikita nito. "Patricia," tawag sa kanya ng asawa habang obvious nitong pinagmamasdan ang kanyang katawan mula ulo pababa sa kanyang nakalabas ng may kalakihang dibdib. Sa dibdib pa lang niya busog na ang mga mata ng asawa. "Ayoko isipin na," saad nito na tila ba sinasadyang ibitin sa ere ang sasabihin nito sa kanya. Napasinghap pa siya nang idikit nito ang katawan sa kanya habang halos nakadikit na rin siya sa likod ng pintuan. "Miko ano ba!" Asik niya. Hindi man niya gusto pero tila siya may kakaibang naramdaman sa pagitan ng kanyang mga ito. Hindi siya sigurado pero parang pagkalalake ng asawa iyon. Mukhang nagising yata ang pagkalalake nito dahil halos hubad na siya sa harapan niya ngayon. Kung ganon hindi na ito immune sa kanyang appeal katulad noon na tila ba wala man lang itong naramdaman sa kanya. "Ayokong isipin na ganitong klase ng laro ang gusto mo. Iyung lumalaban ka at habang ginagawa mo iyon lalong tumitindi ang pagnanasa kong maangkin ka," patuloy ni Miko sa kanya. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi pa nito. Wala siyang idea kung saan galing ang mga sinasabi nito sa kanya. Hindi naman kasi ganon ang nais niyang mangyari at maiparamdam sa asawa. "Ganitong laro ba talaga ang gusto mo, Patricia?" Tanong sa kanya ng asawa ay akmang hahaplusin ang mukha niya nang iiwas iyon rito. Nahihirapan na siya sa kanyang sitwasyon ngayon. Para na nga siyang hindi humihinga sa samut-saring nararamdaman niya. Naroon ang kaba, naroon din ang excitement. Naroon ang takot at kung anu-ano pang halo-halong emosyon. Pero isa ang sigurado niya, may estranghero siyang naramdaman sa pagkakalapit nila ng asawa ng ganito. "Wala akong pakialam Miko kung ano ang iisipin mo sa nangyayari ito. All I want is to get rest. Pagod ako. Pagod na pagod sa buong araw na ito, Miko, so, please hayaan mo na kong makapagpahinga at bahala ka na sa gusto mong isipin!" Litanya niya sa asawa. Hindi niya nais mapansin nito na may epekto ito sa kanya. Hindi nagsalita si Miko. Nanatili itong nakatingin sa kanya, habang halos maging isa na ang kanilang mga katawan sa sobrang lapit sa isat-isa. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung may kakaiba na rin kayang nararamdaman ang asawa sa kanya ngayon. Lalo na't tila nais nitong may mangyari na sa kanila. "Ok fine," Miko said matapos ang mahabang sandali. Binitiwan nito ang kanyang mga kamay at lumayo sa kanya ng bahagya. Kahit papano nakahinga na siya ng maluwag. Umatras na rin ito palayo sa kanya, pero ganon pa rin nasa abnormal mood pa rin ang kanyang dibdib. Mabilis niyang inayos ang roba para takpan ang kanyang katawan na mukhang pinag fiestahan na ng mga mata ni Miko kanina. Mahigpit niyang tinali ang roba at pinagsalikop ang mga kamay sa may dibdib niya, para na rin siguradong hindi na lalabas pa ang kanyang dibdib. "Sa ngayon, Patricia pagbibigyan kita sa gusto mong iwasan ako. But, ngayong gabi lang ito. Bukas matutulog ka na sa silid ko kasama ako. Ayokong mapuna ng mga kasambahay na magkahiwalay tayo ng silid. Hindi ko gustong pag usapan tayo ng mga tauhan ko," saad nito sa kanya. "Bakit may idea ba sila kung sino ako?' Taas kilay niyang tanong rito. "Yes, Patricia. Alam nilang asawa kita. But, don't worry walang makakalabas sa ano mang nakikita at naririnig ng mga ito sa loob ng bahay na ito. May pinirmahan sila sa akin, kaya safe ang ano mang makita at marinig nila. Isama na ang nakita ni Manang Nena sa atin sa kusina," litanya nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Wala siyang alam sabihin pero naramdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi sa huling sinabi nito. Muntik na kasi silang mahuli ni Manang Nena kanina sa kusina na naghahalikan. Mabuti na nga lang at dumating si Manang Nena kung hindi naka dalawang halik na sa kanya ang asawa. Nais muna niyang ipagkait ang sarili sa asawa, lalo na may alam siyang nagtaksil ito sa kanya habang nasa New York siya. Pagtataksil pa rin ang pagsama nito sa ibang babae habang kasal sila, kahit hindi sila nito nagmamahalan. Kasalanan pa rin ang ginawa ni Miko. "Gusto ko ng magpahinga," she said.. "Sure, Patricia. Sa ngayon hahayaan kita dito sa guest room. Pero bukas hindi na uubra sa akin ang kaartehan mo at panlalaban mo," Miko said. "Goodnight, Miko," she said at tumabi na sa pintuan para makalabas na ito. "Goodnight, sweetheart," saad nito sa kanya. Inikot na lang niya ang mga mata at hindi na lang pinansin pa ang endearment nito sa kanya. Labas lang naman iyon kasi sa ilong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD