Chapter-22

2006 Words
Kinabukasan pag gising niya hindi siya agad lumabas ng silid. Nais niyang lumabas na lang pag nakaalis na si Miko. Hindi muna niya ito nais makita ngayon matapos ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi siya makapaniwala na nahalikan siya ng asawa sa labi sa kauna-unahang pagkakataon. At sa kauna-unahang pagkakataon naranasan na rin niya ang mahalikan sa labi. Ang tanging masasabi lang niya ay kakaibang experience iyon para sa kanya, sa ngayon hindi pa niya masabi kung ano talaga ang naramdaman niya nang halikan siya ng asawa sa labi, pero isa ang sigurado niya. Nagustuhan niya ang halik nito, pero kinailangan niyang magalit sa asawa para hindi ito makahalata na nagustuhan niya ang halik nito sa kanya. Hindi niya nais na paglaruan ni Miko ang kanyang damdamin pag nakahalata itong gusto din niya ang nangyari. "Sa loob lang ng isang buong araw, napakaraming nangyari," bulong niya habang sinusuklay ang mahabang buhok. Nakapag hilamos na siya at nakapagbihis na rin. Naghihintay na lang siya ng tamang oras para makababa na at kumain na. Nagugutom na rin kasi siya, dahil sa nangyari kagabi hindi na niya nagawang kumain pa. Pinanindigan na niya ang kanyang pag hunger strike sa asawa. Hindi lang siya sigurado kung effective ba ang kanyang ginawa. Para kasing hindi naman, parang iba ang naging sentro ng asawa sa kanya. Napapitlag pa siya nang makarinig ng katok sa pintuan. Akala pa niya si Miko ang tao sa labas, pero kasambahay lang pala ay tinatawag na siya para kumain. "Nasa baba pa ba si Miko?" Tanong niya sa kasambahay nang buksan ang pintuan. "Opo Ma'am nasa baba pa po si Sir, siya po ang nagpapatawag sa inyo para po sabay na kayong kumain," tugon nito sa kanya. "Ah.. Eh..," saad niya. Nais sana niyang sabihin na hindi siya kakain, kaya lang baka ito naman ang pag initan ni Miko. Alam niyang napagsabihan ang mga kasambahay at ang guard ni Miko kahapon dahil pinayagan siyang lumabas ng bahay. At kung mapapagsabihan na naman ang mga ito dahil sa kanya, baka kainisan na siya ng mga ito. "Sige, bababa na ko," saad niya at tumango naman ito saka lumakad na palayo. Bumuntong hininga siya at muling lumapit sa salamin para suriin ang sarili kung ok pa ba ang itsura niya. Parang hindi niya gustong magpakita kay Miko na hindi maayos ang itsura niya. "Maganda naman ako," saad niya at inayos pa ang kanyang buhok saka na siya lumakad palabas ng silid. Habang pababa siya ng hagdan hindi niya maintindihan kung bakit parang excited naman siyang makita ang asawa. Naiinis siya rito hindi ba? Eh bakit parang gusto niya itong makita ngayon. Pagpasok niya sa komedor naroon na si Miko at bihis na ito. Nakasuot na ito ng polo shirt at pantalon. Paniguradong kinikilig ang nga empleyado sa munisipyo sa tuwing papasok si Miko ng munisipyo. Bakit ang gwapo naman kasi nito. Sa pagkakaalam niya pinsa ni Miko ang Mayor ng bayan nila. Bata rin yata iyon at gwapo. Baka buong angkan ng mga de la Cerna eh gwapo at mayaman. "Good morning," bati niya sa asawa nang makalapit sa mesa. Iniwasan niyang sulyapan ito. Baka kasi matulala siya sa kagwapuhan nito. Kahit kasi sa malayo ang gwapo na nito, paano pa kaya sa personal, syempre mas gwapo ito. "Good morning, Patricia," bati sa kanya ni Miko. Alam niyang tila sinasadya nito na tawagin ang pangalan niya sa ganoong tono, na para bang ang seksi pakinggan. O baka naman imagination lang niya iyon. Agad namang lumapit ang kasambahay para lagyan ng laman ang kanilang mga tasa ng mainit na kape. Napansin niyang maraming pagpipilihan na pagkain sa mesa. Ibat-ibang klaseng almusal ang naroon at may mga prutas pa. Tinitignan pa lang niya ang mga pagkain nakaramdam na siya ng gutom. Para na rin kasi siyang nasa buffet ng isang sikat na hotel sa dami ng pagpipiliin na pagkain. "Patricia, magpatulong ka sa mga kasambahay para mailipat ang mga gamit mo sa master bedroom," Miko sadi nang magsimula na silang kumain at silang dalawa na lang sa may hapag. Sinulyapan niya ang asawa na sa pagkain nakatuon ang atensyon nito. Kahit medyo seryoso ang mukha nito gwapo pa rin ito. Wala naman yata itong anggulo na hindi ito gwapo. Kung ganito ang view niya araw-araw tuwing umaga, parang ang sarap mag almusal, tiyak na makakarami siya ng kain. Agad naman niyang sinuway ang sarili sa kung anu-anong naiisip niya. "Hindi ba pwedeng sa guest room na lang ako,' she said. "No, Patricia. Hindi pwede!" Mabilis nitong tugon sa kanya at sinulyapan siya. Nagulat pa siya sa pagtalim ng mga ito nang tignan siya. "Pinagbigyan lang kita kagabi, Patricia. Pero ngayon hindi na. Sinabi ko na sa iyo na tapusin mo na ang pag iinarte mo. Hindi ka rin naman uubra sa akin. Nasa loob ka ng pamamahay ko, kaya ako ang masusunod rito," litanya ng asawa sa kanya habang nananatili itong nakatingin sa mga mata niya. Hindi siya nakakibo. Napalunok siya dahil parang masyado itong seryoso ngayon sa mga sinasabi nito. Na para bang pag nagkamali siya ng sagot rito magagalit ito ng husto sa kanya. "Mukhang wala na kong magagawa pa kung di ang sumunod," saad niya rito. "Wala na talaga Patricia," tugon nito sa kanya at tinuloy na nito ang pagkain. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagyuko ng ulo. Napatitig sa pagkaing nasa plato niya. Hindi niya alam kung bakit ayaw na niyang ipaglaban pa ang karapatan niya rito. "And may pakiusap rin ako sa iyo, Patricia. Busy ako ngayong araw. Marami akong trabaho sa munisipyo at kailangan ko ring mag report sa opisina ko sa building ni Papa. Kaya sana huwag ka munang gumawa ng eksena na pwedeng ikasira ng schedule ko at ng oras ko sa trabaho," litanya nito sa kanya. Sinulyapan lang niya ito pero hindi siya kumibo. Hindi rin nagbabago ang ekspresyon nito. Ano ito pa ang galit sa kanya ngayon? Eh ito nga ang bigla na lang humalik sa kanya. "Mukhang malinaw naman na ang lahat sa iyo, Patricia at hindi ka nakikipag laban sa akin,' Miko said and looked at her. "Paano naman ako makikipag laban pa sa iyo Miko, eh hindi naman ako mananalo,' tugon niya rito. Ngumiti ito ng bahagya o tamang sabihin na ngumisi ito sa kanya habang nakatingin ito sa kanya. "Alam ko naman na matalino ka Patricia at alam mo kung ano ang gagawin mo," Miko said. "To be honest, Miko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa loob ng bahay mo. Hindi ako pwedeng lumabas na para ba kong nakakulong rito," taas kilay niyang saad sa asawa. "Hindi ka pwedeng lumabas without my permission, Patricia. Hindi ko sinabing hindi ka pwedeng lumabas na parang preso," pagtatama pa nito sa kanya. "Bakit kung magpaalam ba ko sa iyo na makikipagkita sa mga kaibigan ko papayag ka?' She asked. "No, Patricia, dahil alam kong wala kang mga kaibigan sa bayan na ito, maliban sa lalaking kasama mong kumain sa restaurant kahapon. Na napag alaman kong si Andrie Luzano at ito ang nagmamay-ari sa restaurant,' tugon nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi naman kasi imposible rito na malaman ang detalye tungkol kay Andrie. Hindi niya pwedeng i underestimate ang isang katulad ni Vice Mayor Miko de la Cerna. Ang mga de la Cerna ang sinasabing pinaka mayaman at pinaka makapangyarihan sa bayan ng San Juan. Kaya nga kahit ayaw niyang pakasalan si Miko noon wala siyang nagawa, dahil kailangan ng lakas ng pamilya niya sa bayan nila, lalo na ang kanyang ama. "Mukhang nakapag pa imbestiga ka na agad. Hindi na ko magtataka pa. You have all the money and power," taas kilay niyang saad at tinuloy ang pagkain. "Tama ka. Kaya kung ako sa iyo Patricia. Mag iingat ka sa mga kinikilos mo. Ang pinaka ayoko ay ang napapahiya ako," saad pa nito na para bang pinagbabataan pa siya nito. As if naman na kaya niyang gumawa ng hindi maganda o labag sa pagsasama nila. "Kung ako lang wala akong ginagawang masama, lalo na labag sa pagsasamang ito. Pero ikaw Miko," malamang saad niya sa asawa. "Anong sinabi mo?' Miko asked her. Nabanggit na niya sa asawa ang tungkol sa aktres na nakita niyang kasama nito sa airport noong dumating siya. Hindi lang nila napag usapan ng maayos. Hindi siya tumugon sa asawa, tinuon ang atensyon sa pagkain. Nang bigla niyang maramdaman ang kamay ng asawa na mahigpit na humawak sa kamay niya. Nagulat pa siya at napatingin rito. "Is this about sa sinasabi mong babaing nakita mong kasama ko sa airport?' Miko asked her. "Yes, Miko!' Agad niyang tugon sa asawa sabay bawi sa kamay niyang hawak nito. "Mukhang hindi lang naman ang aktres na iyon ang nakasama mo habang malayo ang asawa mo sa iyo," saad niya rito. Wala siyang balak maglabas ng sama ng loob o pag usapan pa ang mga naging affair ng asawa habang wala siya. Sa panahong ginagalawan nila, hindi na madali ang magtago, lalo na't kilalang personalidad din ang sinasamahan ng kanyang asawa. Tanging siya lang naman yata ang kaya nitong itago, dahil she is nobody. May pera ang pamilya niya, pero hindi sapat para magkaroon ng kapangyarihan at impluwensya. Kaya nga kinailangan pa niyang magpakasal sa isang katulad ni Miko para naman makilala na rin ang kanilang pamilya. "Lalaki ako, Patricia, at alam mo na kung ano ang ibig sabihin non," Miko said to her. "S*x, isn't?" She asked. "Yes. Hindi ako pagsisinungaling ang bagay na iyan," tugon nito sa kanya na tila ba pinagmamalaki pa nito sa kanya. "Bastos talaga,' iling ulong saad niya. "Bakit, Patricia, don't tell me hindi mo rin ginawa ang ginawa ko," Miko said. Iniling niya ang ulo at inikot ang kanyang mga mata. Hindi niya aaminin sa asawa ang tungkol sa bagay na iyan. Hindi niya ito nais na masiyahan na isa pa rin siyang malinis na babae kahit na kung sinu-sino na ang kinalantari nito habang magkahiwalay sila. "Isa ba si Andrie Luzano sa mga naging lalaki mo?" Tanong nito sa kanya. "Huwag mong idamay si Andrie dito," saad niya. Baka kase kung ano ang gawin nito kay Andrie. "I see," saad nito at nagtaas ng isang kilay saka dinampot ang tasa nito saka humigop ng kape. "Mukhang nagkamali ako sa pagpapaalis sa iyo ng San Juan Patricia. Mukhang may mali rin ang mga magulang mo sa pagpapalaki nila sa iyo," Miko said. "Anong sinasabi mo?" She asked at sinulyapan ito. "Babae ka, Patricia. Hindi magandang tignan sa babae ang sumasama sa ibang lalake lalo na't kasal na,' may diin sa salita nito na para bang galit pa ito. Eh gawain naman nito. Kung sa bagay sabi nga nila galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. So, ayaw nito ng niloloko ito, pero ito mismo nanloloko. "Pag sa aming mga babae ang sama na. Parang nakakadiri na kame. Pero pag kayong mga lalake ok lang," taas kilay niyang saad at hiniwa ang hotdog na nasa plato niya. Malaki at mataba ng hotdog na iyon, pero parang mas malaki ang alaga ng asawa niya na naramdaman niya sa slacks nito kagabi. "Parang sinasabi mo na ginawa mo nga,' Miko said. "Paano kung oo?' Hamon niya sa asawa at sinulyapan ito. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag igting ng panga nito. Halata rin niya ang galit sa mga mata nito. "Damn it, Patricia!" Malakas na mura nito sabay suntok sa mesa na kinagulat pa niya. "Mag usap tayo pag uwi ko mamaya," mariing saad nito nang tumayo ito at bago pa siya makasagot rito, mabilis na itong nakalakad palayo sa kanya. Para siyang napatulala at sinundan na lamang ng tingin ang asawa. Parang ito pa ang napikon at nagalit ng husto, eh ito naman ang nagsimula ng lahat. Iniinis lang naman niya ito. Bahala na ito kung maniniwala ito na niloko niya ito. Basta siya malinis ang konsensya niya, hindi siya nagloko kahit mag isa lang siya sa New York, hindi niya kayang gawin iyon. May kahihiyan siya. At si Andrie ay kaibigan lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD