Alas siyete na ng gabi nang makauwi siya sa bahay. Medyo marami kasi ang ginawa niya sa opisina kaya inabot na siya ng dilim. Ganun pa man pinilit pa rin niyang makauwi ng maaga, dahil alam niyang naghihintay sa kanya ang asawa sa bahay.
Natawagan niya si Manang Nena at tinanong kung kumain ang asawa niya. Mabuti na lang at mukhang hindi na ito nag a-hunger strike dahil kumain daw ito. Isa pa sa report ni Manang Nena ay ang hindi pagtatangka ni Patricia ma umalis ng bahay. Mukhang natauhan na ito ngayon at sumusunod na ang asawa sa kanya.
Kaya naman pagpasok pa lang niya sa loob ng bahay tinanong na niya agad sa kasambahay na sumalubong sa kanya kung nasaan ang asawa niya. Medyo excited yata siyang makita ito.
Sa buong araw niya sa munisipyo at opisina walang ibang laman ang isip niya kung di si Patricia. Napapa isip siya kung bakit tila wala man lang nararamdamang kahit ano sa kanya ang asawa. Siya kase hindi siya nakaligtas sa malakas na s*x appeal ni Patricia. Bigla siyang nakaramdam ng pagnanasa sa sarili niyang asawa, which is normal naman dahil asawa niya ito at pagmamay-ari niya ito. Iyon nga lang para hindi sila pareho ng nararamdaman ng asawa pagdating sa ganoong bagay, para namang walang nararamdaman sa kanya ang asawa. Hinalikan na nga niya ito sa labi pero nanlaban pa ito at nagpumiglas na para ba niya itong nire-r*pe. Kung ibang babae lang iyon baka isang halik pa lang niya naghubad na ang babae sa kanyang harapan.
Mali ang ikumpara ang asawa sa ibang mga babaing nakakasama niya. Iba si Patricia sa simula pa lang dahil asawa niya ito. Pinakasalan niya ito kahit labag sa kalooban niya at wala siyang feelings rito, maliban na lang sa init ng kanyang katawan. Lalaki siya kaya normal lang na makaramdam ng kakaibang init sa katawan sa kanyang asawa. At mas nag-iinit pa siya sa tuwing nakikita niya ang ganda nito at sa pati na pag nagtataray ito sa kanya at nagpupumiglas ito sa kanya. Hindi niya maintindihan pero mas na attract siya sa asawa sa ganoong galawan nito.
"Nasa taas pa po siya Sir. Hindi pa po bumababa para maghapunan," tugon ng kasambahay sa kanya. Tumango siya riro at sinabing maghanda na ng hapunan at bababa na sila ni Patricia para maghapunan.
Umakyat siya ng hagdan, wala sa loob na inayos pa niya ang buhok. Nais niyang gwapo siya sa harapan ng asawa. Nais niyang makaramdam rin ito ng kakaiba sa kanya, katulad ng bigla niyang naramdaman rito.
Sa master bedroom siya tumuloy dahil sa pagkakaalam niya mahigpit niyang bilin sa asawa na lumipat na sa silid nila. Napagbigyan na niya ito kagabi na sa guest room natulog, pero ngayon hindi na
Kumatok pa siya sa silid nila ng asawa bago tinulak ang pintuan pabukas. Agad siyang pumasok at napakunot ang kanyang noo nang makitang wala na naman roon ang asawa.
"Damn it!" Mura niya at humugot ng malalim na paghinga. Minasahe pa niya ang mga mata na bigla sumakit dahil lamang hindi niya nadatnan ang asawa sa loob ng master bedroom.
"Ang tigad ng ulo niya. Pasaway,' bulong niya at nagmamadalinh lumabas muli ng silid para puntahan ang asawa sa guest room. Panigurado kasing nasa guest room ito.
Dahil inis siya sa asawa sa katigasan ng ulo nito. Hindi na siya kumatok pa sa pintuan at basta na lang pumasok sa loob.
Nagulat pa ang asawa nang datnan niya itong nakadapa sa kama at may kausap sa cellphone. Umigting ang kanyang panga nang lumingon ang asawa sa kanya na gulat na gulat. Mabilis siyang lumapit sa kama kung saan nakadapa ang asawa niya at hinila ang cellphone nitong hawak.
"Miko!" Tili nito sa kanya at mabilis itong bumangon mula sa pagkakadapa at bumaba ng kama para lapitan siya at kunin sa kanya ang cellphone nito.
Nabasa niya sa screen ang pangalan ni Andrie kaya naman siya na mismo ang tumapos sa usapan ng dalawa, pinindot na niya ang end button at tinaas ang kanyang kamay para hindi maabot ni Patricia sa kanya ang cellphone nito.
"Miko ano ba! Akin na ang cellphone ko!" Asik nito sa kanya at sinusubukan pa nitong tumalon makuha lang ang cellphone nito sa kanya.
"Bakit mo kausap si Andrie? Anong pinag-uusapan niyo?' Inis niyang tanong rito.
Hindi niya alam kung saan ito kumuha ng lakas ng loob na magawang makipag usap sa ibang lalake sa loob mismo ng bahay niya. Dapat na nga yata niyang ipaalam sa asawa kung ano ang rules niya. Kung ano ang mga dapat at hindi nito dapat gawin sa loob ng pamamahay niya at sa pagsasama nilang ito.
"Wala kang pakialam, Miko! Akin na iyan!" Inis na saad nito sabay talon pa nito para mabawi sa kanya ang cellphone nito.
Napalunok naman siya nang mapasulyap siya sa may kalakihang dibdib ng asawa. Medyo fit kasi rito ang suot nitong t-shirt kaya sa tuwing tatalon ito, tumatalon din ang malalaking dibdib nito.
"Ibigay mo na sabi sa akin iyan!" Saad pa nito. Buti na lang at nakaiwas siya agad ng tingin rito bago pa siya nitong mahuli na nakatingin sa dibdib nito. Kahit sabik siya sa asawa at pinagnanasahan niya ito, hindi pa rin niya nais ipaalam rito iyon na masyadong obvious.
Para na rin matapos na ang kanyang pagdudusa, dahil nakaramdam na siya ng pag-iinit sa katawan sa ganoong kasimple pa lang na galaw ng asawa ay kusa na niyang ibinigay ang cellphone nito.
"Kainis!" Saad pa nito nang mabawi na nito ang cellphone nito sa kanya.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Bakit narito ka pa? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na sa master bedroom ka na dapat mag stay kasama ko," saad niya sa asawa.
Nagtaas ito ng kilay at lumayo sa kanya. Lumakad patungo sa may sofa roon at naupo. Kumunot ang kanyang noo sa kilos nitong tila wala itong pakialam sa kanya. Na para bang kahit anong sabihin niya balewala lang rito.
Sa buong buhay niya ngayon pa lang siya nakakita ng babaing katulad ni Patricia na napakahiral mapasunod. Na para bang lalabanan pa siya nito, as if naman na may laban talaga ito sa kanya. Naninibago tuloy siya at hindi niya malaman kung paano i handle ang katulad nitong pasaway at napakahirap mapasunod.
"Patricia, I'm talking to you!" Maotoridad niyang saad rito, para sana matakot naman ito sa kanya. Sinulyapan lang siya nito at muling tinuon ang atensyon nito sa TV na naroon na binuksan nito. Umigting ang kanyang panga.
Mabilis siyang lumapit sa asawa at inagaw sa kamay nito ang remote ng TV saka pinatay para matuon ang atensyon sa kanya ng asawa.
"Patricia!" Mariing tawag nito sa kanya. Parang buong buhay niya ngayon pa lang yata siya nagtaas ng boses ng ganito sa isang babae. Masyado kasi siya nitong napipikon sa mga ginagawa nito. Puputok na yata ang ugat niya sa sobrang katigasan ng ulo ng kanyang asawa. Hindi ganito ang pagkakakilala niya noon kay Patricia. Kung sa bagay paano nga naman niya ito makikilala ng lubusan sa loob lang ng dalawang araw na paghaharap nila.
Inaamin niyang may mali siya noon sa ginawa niya sa asawa. Pero iba na ngayon. Nais na niyang ayusin ang gusot sa pagsasama nila. Tutal wala na rin naman silang kawala pa sa sitwasyon nilang ito, mabuti pang ayusin na lang nila at bigyan ng pag asa ang pagsasama nila.
Walang de la Cerna ang hiwalay sa asawa. Walang de la Cerna ang sira ang pamilya. Kilala ang mag de la Cerna hindi lamang sa pulitika, yaman at mga negosyo. Kilala rin ang pamilya nila sa pagiging family oriented. Kaya tiyak na isusumpa siya ng kanyang pamilya once na makipag hiwalay siya kay Patricia.
"Dahil ayokong makasama ka sa master bedroom. Isa pa guest lang naman ako sa bahay mo Miko, kaya dapat lang na sa guest roon lang ako!" Mataray na tugon nito sa kanya at masamang tingin pa ang pinukol nito sa kanya nang tumayo ito mula sa pagkakaupo.
"Hindi rin naman ako magtatagal rito. Aalis ako at babalik sa New York. Pinapalamig ko lang muna sina Daddy. Kaya huwag lang mag-alala Miko, magiging malaya ka muli. Magagawa mo muli ang dati mong ginagawa, katulad na lang nag pakikipag date sa kung kani-kaninong babae!" Taas kilay nitong litanya sa kanya. Pinagsalikoo pa nito ang mga kamay sa dibdib nito.
"Hindi ka na babalik pa ng New York, Patricia. Wala ka ng babalikan pa sa New York. You'll stay here in San Juan with me. At wala kang ibang gagawin kung di gampanan ang papel mo bilang asawa ko. Alam mo naman siguro kung ano ang obligasyon mo sa akin hindi ba Patricia?" Litanya niya sa asawa habang hindi sila nito nag-aalis ang tingin sa isat-isa.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong nito na halos hindi man lumabas sa bibig nito.
"Magsisimula na tayong magsama Patricia. Magsasama tayo sa bahay na ito bilang mag asawa. Gagampanan mo ang papel mo bilang asawa ko at ganon rin ako sa iyo. Kasam na rin ang pag consummate ng kasal natin,' litanya niya sa asawa na nanlaki ang mga mata at napanganga sa mga sinabi niya.