"Sinong may sabi na papayag ako sa gusto mo Miko!" Galit niyang saad sa asawa matapos nitong sabihin na nais na nitong magsama sila na para bang normal na mag asawa.
Hindi normal ang pagpapakasal nila. Hindi rin normal ang mismong gabi ng kanilang honeymoon iniwan siya ng asawa niya mag isa sa Villa. Hindi siya umaasa ng honeymoon rito noon, dahil halik nga lang hindi pa nito naibigay sa kanya. Isama pang nilinaw nito sa kanya na hindi pwedeng ma consummate ang kanilang kasal. Tapos ngayon sasabihin nito na dapat mg ma consummate ang kasal nila. Nababaliw na ba ito. Ano ito sinuswerte at ito na lang lagi ang masusunod.
Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang maging sunud-sunuran siya sa asawa. Wala siyang boses sa pambabalewala nito sa kanya, na para lang siyang hangin rito at hindi asawa. It's time naman na siguro na ipakita niya asawa ang worth niya. Na siya ang asawang binalewala nito dalawang taon na ang nakakalipas. Nais niyang ipamukha rito kung ano ang sinayang nito sa loob ng dalawang taon. Kung sana noon pa sinabi na nito ang mga bagay na sinasabi nito ngayon, ay baka sumunod pa siya rito, pero ngayon kase malabo na siyang mapasunod nito. Hindi na siya ang dating eighteen years old na walang kaalam-alam. At twenty years old, she's now ready to take control of her life.
"And why not, Patricia! Anong karapatan mong tumanggi sa gusto ko? Kasal tayo. Asawa kita! Nasa akin ang lahat ng karapatan sa iyo!" Mariing saad nito sa kanya.
Masamang tingin ang pinukol niya sa asawa na kung umasta sa kanya ay para bang dapat niyang sundin ito lagi. Not this time. Hindi siya susunod sa asawa ngayon.
"No! Ayoko Miko! Hindi tayo magsasama sa iisang silid at lalong hindi ma co- consummate ang kasal natin!" Taas mukhang saad niya sa asawa.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pag igting ng panga nito at humakbang pa palapit ito sa kanya sabay saklit sa braso niya. Mahigpit nitong hinigpitan ang hawak nito sa kanyang braso. Hindi siya umimik. Nasasaktan siya pero hindi niya pinahalata sa asawa. Nais niyang ipakita rito na kaya na niya. She is strong.
"Why, Patricia? May kinalaman ba ang Andrie na iyon?' Mabalasik nitong tanong sa kanya.
Hindi niya nais madamay si Andrie sa gulo nilang mag asawa, baka kung ano pa ang gawin nito kay Andrie lalo na't isang negosyante sa bayan nila si Andrie at bukod sa Vice Mayor ang asawa niya ay isa din itong de la Cerna na dapat pangilagan sa bayan nila.
"Bitiwan mo nga ako Miko! Nasasaktan ako!' Hiyaw niya at sinubukang bawiin ang braso sa asawa.
"Siya ba? Huh?" Galit pa rin nitong tanong sa kanya.
"Paano mo nagawang kausapin ang lalaking iyon sa loob ng solar huh?' Mariing tanong niti at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
"Nasasaktan ako Miko!" She said.
Binitiwan naman siya ni Miko, patulak nga lang at napaupo siya sa sofa. Agad niyang hinawakan ang braso niyang nasaktan. Masakit naman talaga iyon at hindi siya nag iinarte lang rito.
"Bahay ko ito Patricia at ako ang masusunod. Asawa kita at dapat sumunod ka sa lahat ng gusto ko!" Mariing saad nito sa kanya.
"Hindi na ako ang dating eighteen years old na utu-uto sa iyo Miko! Hindi mo na ko mapapasunod ngayon!" Matapang niyang saad sa asawa. Nakataas pa ang kanyang mukha para ipakita sa asawa na matapang siya at hindi siya natatakot rito.
"Pero bilang asawa ko Patricia, may obligasyon kang dapat gampanan," Miko said.
Napalunok siya. Alam niya iyon, pero pwede siyang tumanggi, katulad ng ginawa nito sa kanya sa loob ng dalawang taon.
"Obligasyon mong pagsilbihan ako, lalo na pagdating sa kama," patuloy ni Miko sa kanya.
Para siyang kinilabutan at sa sinabi nito sa kanya. Naramdaman niya ang init na gumapang sa kanyang buong katawan pababa sa kanyang p********e. Ganon kalakas ang epekto ng sinabi ng asawa sa kanya.
"Alam kong alam mo ang tungkol sa bagay na iyon, Patricia," Miko also said.
"I know, Miko," taas mukhang tugon niya sabay tayo sa kanyang kinauupuan at hinarap ang asawa ng buong tapang. Kung magpapakita siya ng kahinaan sa asawa, tiyak na lalamunin siya nito katulad noon. Pero kung ipapakita niyang matapang siya rito, baka umatras din ito sa gusto nito.
"Alam ko ang gusto mong mangyari. Pero no! Hindi ako papayag na gamitin mo ang katawan ko dahil lang sa kailangan mong maglabas ng init sa katawan. Marami ka namang babae diyan, sa kanila mo na lang ilabas,' taas kilay niyang saad sa asawa.
"Patricia!" Tawag nito sa pangalan niya kasabay ang mahigpit na hawak nito sa magkabilang balikat niya.
"Stop this nonsense!" Mariing saad nito sa kanya. Halos maglabasan na ang mga ugat nito sa leeg sa galit na pinipigilan nito.
"This is nonsense, Miko. Pinipilit mong may karapatan ka sa akin. At ipipilit ko rin ang karapatan ko sa iyo!" Buong tapang niyang saad sa asawa.
"Dito ako sa guest room matutulog. Ito ang magiging silid ko. Hindi ma co- consummate ang kasal na ito. Lalo na't nahuli kita sa airport na may kasamang ibang babae, and no doubt you f*cked her! So, bakit ako sisiping sa iyo, after mong sumiping sa ibang babae!" Taas kilay niyang saad sa asawa.
"Nakit mo talaga ako kung ganon," Miko said at lalo pa siya nitong inilapit rito. Hindi siya nagreklamo s mahigpit nitong hawak sa kanya, pati na sa sobrang lapit nila sa isat-isa. Pinanindigan niyang matapang siya at kaya niya ito.
"Yes. Nakita kita kasama ang isang starlet, Miko," tugon niya sa asawa.
"Kaya ka gumanti at agad nakipagkita sa lalaki mo rito sa San Juan. Ganoon ba huh, Patricia?!" Mariing taning nito sa kanya at lalo pang hinigpitan ang hawak sa kanyang magkabilang braso.
"Ano ba!" She said. Nasasaktan na siya at sinasadya na nitong saktan siya.
"Walang kinalaman si Andrie sa gulo natin! Huwag kang mandamay!" She said.
"Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari Patricia. Sinong lalake ang papayag na hindi niya pwedeng angkinin ang sarili niyang asawa?' Miko said.
"Ikaw ang naunang magsabi sa akin two years ago na hindi pwedeng ma consummate ang kasal natin. And now in apply ko siya for my protection. At least matapos man ang larong ito, hindi mo ko na angkin," litanya niya sa asawa.
"This is b*llsh*t!" Malakas na mura ng asawa sabay bitiw sa kanya.
Nakahinga siya ng maluwag at umatras palayo sa asawa. Hindi na kasi siya nakakahinga sa sobrang lapit nila sa isat-isa.
"Hindi ako papayag, Patricia! Hindi!" Mariing saad nito sa kanya.
Humugot lang siya ng malalim na paghinga. Tignan na lang nila kung sino sa kanila ang mananalo sa larong ito.