"Mikel, pare," tawag sa kanya ni Abram at binawi ang kamay nitong hawak niya. Pinagpasalamat niyang dumating siya sa tamang oras at hindi nasaktan ni Abram si Liyah. Hindi niya alam ang gagawin kung tuluyang nasaktan nito si Liyah, baka dito na magtatapos ang pagkakaibigan nila ng ilang taon. Kilala naman niya si Abram hindi naman nalalayo ang ugali nito sa ugali niya pagdating sa mga babae. Ang pinagkaiba lang nila nito ay alam niya ang limit niya and also may respeto siya sa sarili niya, hindi niya ginawa ang ibang nagagawa ni Abram, like dr*gs and thr**some. Para sa kanya kawalan na ng respeto sa sarili ang ganoong gawain. "May problema ba?' Seryoso niyang tanong kay Abram habang nakatingin sa mga mata nito. Nanatili naman nakatayo si Liyah sa di kalayuan at nasa mga mata nito ang tako

