Halos hindi niya malunok ang sumayad na mapait na alak sa kanyang lalamunan na binigay ni Mikel, nahihiya lang siya rito na huwag inumin iyon kaya kahit hindi niya kaya pinilit niyanh inumin. "Are you ok?' Tanong ni Mikel sa kanya nang mapansin ang paghihirap niya sa mapait na alak. "Ang pait eh,' tugon niya rito. Natawa naman ito sa kanya. Nahahalata niyang laging nakangiti si Mikel pag kausap siya na para bang wala siyang dapat ikatakot rito at ikampante niya ang kanyang sarili dahil hindi ito masamang tao. "Masasanay ka rin. Masyado namang boring ang life mo kung pati ang pag inom hindi mo makaya,' saad nito sa kanya. Fake smile na lang ang kanyang naging tugon rito at muli sinubukang inumin ang alak sa kanyang kopita. "Hi, Congressman," narinig niyang bati ng isang babaing lumapit

